Aristocrat humingi ng paumanhin dahil sa ‘di magandang karanasan ng isang customer

Imahe mula sa My Tummy Is Full
  • Isang hindi magandang karanasan ang nangyari sa kustomer ng Aristocrat Restaurant kamakailan
  • May nakita umano itong insekto sa kaniyang inorder na pagkain
  • Humingi naman ang restaurant management ng paumanhin tungkol dito

Isa ang Aristocrat Restaurant sa Roxas Boulevard na maituturing na ‘iconic’ na kainan sa bansa dahil naging bahagi ito ng kasaysayan ng mga taga-Maynila. Sa katunayan, itinuturing itong ‘pinakapopular’ na restaurant sa buong Pilipinas ngayon.

Gayunpaman, tulad ng karamihan ng mga negosyo, hindi pa rin ito nakaligtas sa kontrobersiya.

Nitong Huwebes, naglabas ng pahayag ang Aristocrat Restaurant upang humingi ng paumanhin para sa isang hindi magandang insidente kamakailan sangkot ang isa nilang customer.

Imahe mula sa Aristocrat Restaurant – Facebook

Nangyari umano ito noong Marso 1 sa Roxas Boulevard branch kung saan isang kustomer ang may nakitang insekto sa kaniyang inorder na pagkain. Kaagad naman daw itong ipinaalam sa manager para sa karampatang aksiyon.

“Management then took the necessary action immediately by replacing the order at no charge and conducting an immediate investigation into the matter,” ayon sa pahayag.

“While this does not change the regrettable experience that our customer had, words cannot express how sorry Aristocrat restaurant is for what happened. We truly appreciate the feedback from our customers and community and are using this as an opportunity to review, revamp, and improve our hygiene protocols,” pagtitiyak pa ng management.

Imahe mula sa Esquire PH

Tiniyak din ng Aristocrat na itinuturing nilang isang seryosong pangyayari ang naturang insidente at magkakaroon ng pagbabago kung paano inihahanda ang kanilang pagkain.

“We are currently conducting na internal audit and plan on additional training for our staff to ensure that incidents like this are avoided in the future,” ayon pa sa restaurant management.

Ang Aristocrat – Roxas Boulevard ay unang nagsilibi sa mga kustomer noon pang 1930s. Sa kasalukuyan, mayroon na itong 15 branches sa buong bansa kabilang na ang nasa Subic Bay, Lipa City, Malolos sa Bulacan at Imus sa Cavite.

Loading…