Artist gumawa ng mga Voltes V toy robots gamit ang upcycled plastic materials

Imahe mula kay Christopher Dominisac
  • Isang kahanga-hangang artist ang lumikha ng mga action figures, partikular na ang Voltes V, gamit ang mga patapong plastic
  • Ang artist mula sa Antipolo ay may pusong makakalikasan
  • Hinihikayat niya ang mga tao na sa halip itapon ay gamitin ang mga plastic wastes upang lumikha ng mga bagay na mapakikinabangan

Sa halip na itambak sa basurahan ang mga patapong plastic na siguradong makadaragdag lang sa problema ng mundo sa plastic pollution, ginamit ito ng isang  43-anyos na lalaki mula sa Antipolo na isang masugid na tagasubaysay ng mga Japanese Anime (batay sa kinasasapian niyang Facebook Group) upang lumikha ng iba’t ibang replika ng  Super Electromagnetic Machine Voltes V o simpleng Voltes V at iba pang action figures.

Imahe mula kay Christopher Dominisac

Ang larawan ng mga likha ni Christopher Dominisac ay ibinahagi niya sa Facebook page na Voltes V Philippines. Batay sa post niya noong Pebrero ay plano niyang i-exhibit ang mga toy robots niya.

“Unang picture ko po dito na kasama mga scrap built natin. “Basura at ang Basurero” kakampi ng kalikasan. Ito po title ng exhibit soon.. God willing.. Salamat po admin! And awesome friends,” post ni Christopher sa Facebook.

Kung pagmamasdang mabuti,  makikilala ang mga plastic na pinaglagyan ng ice cream, ng mineral water, ng shampoo at iba pa sa mga robot na likha niya – isang malaking Voltes V at isang mas maliit na Mazinger Z.

“Details on going, neck, feet, fist etc. Maraming maraming salamat po sa lahat ng nag-a-appreciate dito sa aking basura robot. Admins and friends! Mazinger Z attempt , 2 ft 3 inches achieved,” sabi pa ng mahusay na artist na may pusong makakalikasan.

Kamakailan lang ay naitampok siya at ang kanyang mga likha sa isang programa ng GMA,  ang I-Juander, kung saan kinuha niya ang pagkakataon upang hikayatin ang mga tao na mag-upcycle ng mga plastic wastes.

Imahe mula kay Christopher Dominisac

Ang upcycling, na tinatawag ding creative reuse, ay isang proseso kung saan ang mga waste materials ay itina-transform para maging bagong materyales o produkto na may mas mataas na value kaysa sa materyales na ginamit.

Loading…