Aso na naka-‘freeze mode’ kapag papaliguan kinaaliwan

  • Kinaaliwan ang video ng isang fur baby o pet dog
  • Naka-freeze kasi ito kapag hinahawakan ng fur parent at sinasabihang maligo
  • Bumabalik na ito sa dati kapag binitiwan na

Masaya talaga ang maging isang fur parents, lalo na kapag may mga kakaibang behavior o gawi ang mga fur babies, na talaga namang nakapagpapangiti, nakapagpapatawa, at nakapagpapasaya sa puso’t kaluluwa.

Kagaya na lamang ng pet dog na itinampok ng netizen na nagngangalang “Marissa Montales Bernal” sa Facebook group na “DOG LOVERS PHILIPPINES.” Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post ang kuhang video ng kaniyang alagang aso na may kakaibang gawi kapag papaliguan ito: ito ay naka-“freeze mode.”

Imahe mula sa Facebook account ni Marissa Montales Bernal

“Anak mong kapag hinawakan ng Tatay at sinabihang maliligo na. FREEZE…” saad sa caption ng kaniyang post.

Makikita sa video na nakahiga at tila naka-freeze nga ang fur baby na si “Happy” habang hawak ng kaniyang fur parent para paliguan. Nakataas pa ang mga paa nito at nakapikit. Ang cute!

“Happy… huy! Ligo ka na raw… ligo na!” saad ni Maritess sa video habang tumatawa. Nang bitiwan ito ng kaniyang mister, gumalaw na ulit ito. Kapag hahawakan ulit, bumabalik ito sa pagfi-freeze.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Kamukha ng aming aso hahaha ganyan din siya kung umarte, nakahiga rin, gusto may unan at kumot din hahahaha, nakaka-good vibes talaga!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Iyong aso ko kapag sinabi na maliligo na, nagtatago naman sa ilalim ng lamesa, pero ‘yung isa naman pupunta na nang kusa sa CR.”

Imahe mula sa Facebook account ni Marissa Montales Bernal

“Ganyan din po aso ko, kapag sinabing ligo, biglang nanghihina hehehehe kamukha niya rin po aso ko same na same ng hitsura. Paano kaya nila naiintindihan yung mga salita natin?” saad naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Ganito rin yung alaga kong Labrador, kapag sinabihang maliligo, nagtatago  na siya sa ilalim ng bed.”

Ikaw, may pet dog ka bang nagfi-freeze mode din kapag ayaw niya ang gagawin sa kaniya?

Panoorin ang naturang video:

<iframe src=”https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fmarissa.m.bernal.3%2Fvideos%2F3810254982373521%2F&show_text=false&width=267″ width=”267″ height=”476″ style=”border:none;overflow:hidden” scrolling=”no” frameborder=”0″ allowfullscreen=”true” allow=”autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share” allowFullScreen=”true”></iframe>

Source :

Facebook

Loading…