Babaeng nagtanggal ng face mask at face shield para mag-selfie sa MRT3 posibleng kasuhan

Screenshot mula sa Facebook video/ Jhona Sy
  • Hinahanap na ngayon ng pamunuan ng MRT 3 ang babaeng nag-selfie sa MRT 3 na nagtanggal ng mask at shield
  • Nag-viral sa Facebook ang video ng nasabing pasahero matapos itong ibahagi ng isang netizen
  • Posible itong makasuhan dahil sa paglabag sa health protocol

Pinahahanap na ngayon ng pamunuan ng MRT 3 ang isang babaeng pasahero na nakunan sa video na nagtanggal ng face mask at face shield para mag-selfie sa loob ng isang train kamakailan.

Ayon sa inilabas na pahayag ng MRT 3, ipinatutupad umano ngayon ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing sa mga pampublikong mga sasakyan base sa panuntunan ng IATF.

Screenshot mula sa Facebook/ Jhona Sy

“Thus, we deem the passenger’s action not only reckless and insensitive, but also posed a possible threat to the health of her fellow passengers. We condemn such wanton disregard on these health and safety measures,” wika ng MRT 3.

Kumalat kamakailan sa Facebook ang video ng naturang pasahero na tinanggal ang kaniyang face mask at face shield upang kunan ng larawan ang sarili sa loob ng tren. Ibinahagi ito ng isang netizen na mayrooong caption na “Simple health protocol that you can’t follow.”

Screenshot mula sa MRT 3- Facebook

Kinondena naman ng mga netizens ang ginawa ng babae dahil nilagay umano nito sa peligro hindi lamang ang kaniyang sarili kung hindi ang iba pang pasahero.

Dahil dito humingi ng tulong ang MRT 3  sa publiko na ipaalam sa kanila kung sino man ang babaeng nasa viral video.

“Hence, we now ask the public’s assistance for information to identify the woman on the video, for investigation and filing of appropriate charges due to violations of the public health and safety protocols,” ayon sa pahayag.

Screenshot mula sa MRT 3- Facebook

“An investigation is likewise being conducted to determine if there was any neglect on the part of the transport marshal on duty,” nasasaad pa rito.

Hiniling rin ng MRT sa riding public na patuloy na sumunod sa health protocol at isumbong  sa kanilang ang sinumang lumabag rito.

Loading…