Bagong kanta ng Sponge Cola na “Siguro Nga” inspired ng karakter sa isang K-drama

Imahe mula sa Sponge Cola
  • Inspired ng isang karakter sa K-drama na “Start Up” ang bagong kanta ng Sponge Cola na “Siguro Nga”
  • Grabeng naapektuhan ang vocalist na si Yael Yuzon sa isang episode ng K-drama kaya agad niyang ginawan iyon ng kanta
  • Ang “Siguro Nga” ay opisyal na na-release noong December 30, 2020

Ibinahagi ng alternative rock band na Sponge Cola kung paano nabuo ang pinakabago nilang kanta na pinamagatang “Siguro Nga.”

Imahe mula sa Sponge Cola

Kuwento ni Yael Yuzon, ang vocalist ng banda, pinanonood niya ang K-drama na “Start up” at grabe raw siyang naapektuhan sa Episode 9 nito kung saan ang karakter na naging inspirasyon niya para gawin ang kanta ay natutong umibig sa isang karakter ngunit hindi nito nagawang ipaalam ang nararamdaman hanggang sa maging huli na ang lahat dahil nahulog na ang loob nito sa iba na ginamit niya na magpanggap bilang siya.

“I was watching Episode 9 – titled ‘Risk’ where the duplicity is exposed – that is an intense episode. And after that, my face aghast at the ending. I was like – what?!” aniya.

Hindi na ikinuwento ni Yael Yuzon ang buong istorya ng “Start Up” para naman sa mga taong hindi pa nakakapanood niyon.

Screenshot mula sa Start Up

Sabi niya, mabilis ang naging pangyayari sa paggawa ng “Siguro Nga.”

Noong napanood nga niya ang Episode 9 ng Start Up ay kinuha raw agad niya ang gitara niya at nagsimulang bumuo ng kanta base sa karakter ng drama series.

Dahil medyo mahigpit pa raw ang lockdown ay online lang nag-uusap ang band members para gawan ng areglo ang kanta.

Imahe mula sa Sponge Cola

Tatlong araw lang daw mula noon ay ni-record na nila ang kanta at makalipas ang ilang linggo ay na-release na nila iyon sa Spotify; isang audio streaming platform.

Nagawan nila ng music video ang kanta isang buwan matapos nila iyong mabuo. Tampok sa video ang kaibigan ng banda na sina Jai Asuncion at Agassi Ching na popular vloggers at real-life lovers. Kilala sila sa tawag na JaiGa.

Imahe mula sa Sponge Cola

Ang “Siguro Nga” ay opisyal na ni-release sa pamamagitan ng Sony Music Philippines noong December 30, 2020.

Panoorin ang music video ng Siguro Nga:

Source :

YouTube

Loading…