Bagong kasal ibinahagi ang kuwento sa likod ng viral na ‘dip kiss fail’

Imahe mula sa Facebook | Ivy Tuason Photography
  • Trending kamakailan ang video ng bagong kasal na literal na nahulog sa isa’t isa matapos mag-fail ang kanilang dip kiss
  • Ayon sa groom, bigla nilang naisip na gawin iyon at hindi sila nagkaintindihan ng kaniyang bride kaya naman sumubsob sila
  • Dahil dito ay naging mas memorable ang kanilang kasal

Ibinahagi ng bagong kasal sa viral na “dip kiss” photos ang kuwento sa likod ng tagpong ito na pinag-usapan ng netizens kamakailan.

Sa isang panayam sa Philippine Star ay ikinuwento ng groom na si Jason Karlo Santos na habang palabas ng simbahan ay sinabihan niya ang asawang si Princess Di Pascual tungkol sa kaniyang plano.

Imahe mula sa Facebook | Ivy Tuason Photography

“Actually, excited kaming lumabas kasi mga kaniya-kaniya naming squad ‘yung nandoon. Nung palabas kami, sabi ko sa kaniya, ‘Ibe-bend kita ha. Idi-dip kiss.’ Ganoon,” pagbabalik-tanaw ni Jason.

Pinaalalahanan pa raw siya ni Princess na ingatan ang likod nito.

Nang nasa labas na ay hinawakan daw ni Jason ang likod ni Princess kaya naman inakala ng huli na ito na ang hudyat sa kanilang plano.

“Nung palabas na kami, hinawakan ko siya sa likod, akala niya siguro game na. Hinatak niya ‘yong batok ko so sumubsob kami parehas. Binalanse ko pa e, baka maisalba ko pa e,” ani Jason.

Nang makita ang “fail” moment na ito ay natawa raw ang kanilang mga kaibigan.

(RELATED: Wackiest dip kiss” sa isang kasalan kinaaliwan)

Imahe mula sa Facebook | Ivy Tuason Photography

Unang ibinahagi ng kanilang wedding photographer na si Ivy Tuason ang “wackiest dip kiss” na nakikita sa kaniyang Facebook page.

“Been covering weddings for almost a decade and some things still get you by surprise. Probably one of the highlights that made this wedding memorable,” aniya sa post na ngayon ay may mahigit 60k reactions at 37k shares na.

Plano nina Jason at Princess na ipa-frame ang mga kuha mula sa tagpong iyon na dahilan upang mas maging memorable ang kanilang pag-iisang dibdib.

“Tawang-tawa ako sa comments. Ang sarap nang ikuwento e, dun sa mga hindi nakapunta, sa family members na hindi nakadalo kasi wala rin kaming kinuhang live stream para makita lahat. Balak naming ipa-frame kasi nga ang kwela nung dating,” sabi pa ni Jason.

Sabi nga ibang nagkomento, ito ang tunay na “pa-fall na couple” — na-fall in love talaga sila sa isa’t isa. Well, since high school pa pala sila!  Congrats!

Panoorin ang kanilang video na may mahigit 791K views na!

CLICK the image para sa video / PhilStar

Loading…