Bagong variant ng coronavirus sa Japan, na-detect sa isang pasahero galing Pinas

Imahe mula Global Times
  • Nakapasok na sa Japan ang bagong variant na unang na-detect sa Pilipinas
  • Ito ay natuklasan sa isang biyahero na galing sa Pilipinas at lumapag sa Narita airport
  • Dahil dito ay ipatutupad ang mas mahigpit na border control sa Japan

Nakapasok na sa Japan ang bagong mutated strain na unang na-detect sa ilang pasyente rito sa Pilipinas. Ito ay natuklasan sa sample na nagmula sa isang biyahero mula sa Pilipinas at dumating sa Japan noong Pebrero 25.

Ayon sa National Institute of Infectious Diseases (NIID) ng Japan, na-detect sa nasabing biyahero ang B.1.1.28 strain na may E484K at N501Y mutations na unang natagpuan sa ilang pasyente sa Cebu.

Imahe mula sa PNA

“The National Institute of Infectious Diseases, Japan, identified a B.1.1.28 strain with E484K and N501Y mutations from a SARS-CoV-2-positive sample collected on February 25, 2020 at a point of entry to Japan from a traveler from the Philippines,” ayon sa pahayag ng ahensiya.

“This variant isolate also has the P681H mutation in the spike protein as with B.1.1.7 lineage (VOC-202012/01) which is suggested to be associated with increased transmissibility,” dagdag pa ng pahayag.

Ito rin ay unang naiulat na ng Pilipinas sa GISAID kung saan 34 na draft genome sequences ng  B.1.1.28 lineage na may E484K/N501Y mutations ang na-detect sa bansa; 1 noong Pebrero 26 at 33 nong Marso 1.

Ang nasabing biyahero ay nasa edad 60s na at dumating sa Narita Airport malapit sa Tokyo noong Pebrero 26. Siya ay asymptomatic subalit nagpositibo sa COVID matapos sumailalim sa quarantine sa airport.

Imahe mula sa jrailpass.com

Hindi pa rin tiyak kung ang variant na ito ay siyang dahilan ng biglang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas subalit posible umanong matagal na itong kumalat dito.

“This variant isolate does not meet the criteria of VOC as we do not know how widely this variant strain is spreading within the Philippines and whether this variant strain is associated with the recent increase in reported cases in the Philippines,” ayon sa NIID.

“However, this variant strain may be circulating in the Philippines at a certain level as the similar strain has been reported domestically and identified from travelers,” wika pa nito.

Dahil rin dito ay inirerekomenda ang pagpapatupad ng mas mahigpit na border control sa Japan upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing variant.

Loading…