Batang mahimbing ang tulog, napapasayaw kapag nakakarinig ng TikTok music

Screenshot mula sa GMA video
  • Batang mahimbing na natutulog napapasayaw kapag nakakarinig ng Tiktok music
  • Ayon sa mga magulang ng bata, mahilig talagang mag-TikTok ang anak
  • Bukod sa pagti-TikTok, ang bibong bata ay mahilig din umanong mag-vlog

Kinaaaliwan  sa social media ang video ng isang limang taong gulang na batang babae mula sa Malita, Davao Occidental na makikitang napapaindak pa rin kahit mahimbing na siyang natutulog.

Screenshot mula sa GMA video

Ibinahagi ng ina ng bata sa GMA na mahilig daw talaga mag-TikTok ang anak na si Aviel. Sa katunayan, kapag nasa labas sila, awtomatiko raw na napapahinto ang bata at biglang sasayaw kapag nakakarinig ng tugtog mula sa TikTok.

Dahil doon, naisip umano nila na alamin kung mapapaindak pa rin si Aviel sa TikTok music kahit mahimbing na natutulog.

Habang tulog si Aviel ay nagpatugtog ang mga magulang niya ng TikTok music para makita kung iindak ito.

Ganoon nga ang nangyari.

Makikita sa video na ginagawa ng bata ang ilang TikTok “moves” kahit tulog siya. Ilang ulit daw nilang tiningnan kung talagang mahimbing ang anak. At totoo raw na tulog na tulog si Aviel habang umiindak.

Kuwento pa ng inang si Jumelyn Aloro, bukod sa pagti-TikTok ay nagba-vlog din umano si Aviel. Bibong-bibo raw ang anak habang nasa harap ng camera.

Ang TikTok ay inilunsad sa China noong September 2016. Douyin ang tawag nila sa TikTok doon.

Inilunsad ito ng tech giant na ByteDance sa labas ng China noong 2017.

Screenshot mula sa GMA video

Ang TikTok app ay nai-download na ng mahigit isa’t kalahating bilyong ulit. Sa pinakahuling datos, may 689 million active users ito kada buwan, at hindi pa kabilang dito ang mga users sa China dahil Douyin nga ang tawag nito doon sa kanila.

Ang Douyin ay may 600 million active users kada araw.

Source :

GMA , YouTube

Loading…