Belmonte, Vico at Yorme muling nanguna bilang NCR ‘top performing mayors’ sa isang survey

Mga imahe mula sa Facebook
  • Nanguna si QC Mayor Joy Belmonte sa survey ng ‘top performing mayors’ sa NCR
  • Sumunod sa kaniya sina Pasig Mayor Vico Sotto at Manila Mayor Isko Moreno
  • Si Sotto naman ang nanguna sa listahan ng muling iboboto ng kanilang constituents sa darating na halalan

Nanguna si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa listahan ng ginawang survey tungkol sa pagganap ng kanilang trabaho at tungkulin bilang alkalde ng lungsod sa National Capital Region (NCR) sa taong 2020.

Sa isang independent at non-commissioned survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc), pinakamataas ang rating na nakuha ni Belmonte na 86%.

Imahe mula sa PNA

Pumangalawa kay Belmonte si Pasig City Mayor Vico Sotto na mayroong rating na 83%; habang pangatlo naman si Manila Mayor Francisco ‘ Isko Moreno’ Domagosa’ na nakakuha ng 80%.

Ang survey ay isinagawa sa pagitan ng Pebrero 21 at 28 ngayong taon sa mga respondents edad 18 hanggang 70 anyos na pawang registered voters at residente ng Metro Manila.

Ang respondents ay ‘randomly chosen’ at ‘proportionally distributed’ base sa populasyon ng lungsod. Ito ay mayroon ding sampling error of margin na +/- 3% at 95% na confidence level.

Imahe mula kay Mayor Vico Sotto

Sumunod naman sa tatlong alkalde sina Lino Cayetano ng Taguig (69%), Abigail Binay ng Makati (68%), Toby Tiangco ng Navotas (65%), Carmelita Abalos ng Mandaluyong (58 %), Francis Zamora ng San Juan (55%) at Jaime Fresnedi ng Muntinlupa (51%).

“Reviewing the comments given by the respondents— innovations in reaching and addressing constituents’ concerns during pandemic, social and welfare services, ease in doing business and transactions at city hall, and hands-on mayor made Belmonte the top NCR Mayor. In Pasig, the core agenda is eradicating corruption of Mayor Vico as the top comment while Mayor Isko constituents said they liked his initiative for going around addressing concerns and issues even at night time,” ayon sa pahayag ni Dr. Paul Martinez ng RPMDinc.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno Domagoso

Ang nalalabing anim na lungsod at munisipalidad ay pawang nakakuha ng mababang approval rating ayon sa RPMDinc, subalit ang tatlong pinakamababa ay ang Pasay City (33%), Malabon City (35%) at Las Pinas City (37%).

Tinanong rin ang mga respondents kung iboboto ba nilang muli o hindi ang kanilang mga alkalde sa 2022 elections. Dito ay nanguna sina Mayor Vico Sotto (80%), na sinundan nina Mayor Joy Belmonte (76%) at Mayor Isko Moreno (75%).

Nakatanggap rin ng mataas na approval rating sina Teodoro (67%) ; Cayetano (60%); Binay (62);  Tiangco (58%); at Abalos (53%).

Loading…