Biggest vaccine maker sa mundo tutulong na makagawa ang Pilipinas ng sariling bakuna

Imahe mula sa SII
  • Nag-alok ng tulong ang Serum institute of India sa Pilipinas para makapag-produce ng sariling bakuna
  • Ang SII umano ang pinakamalaking vaccine manufacturer sa buong mundo
  • Pumirma si Sec. Galvez ng kasunduan sa SII para sa 30 million doses ng Novavax COVID-19 vaccine

Nag-alok ng tulong ang Serum Institute of India, na diuamano’y ang pinakamalaking vaccine manufacturer sa buong mundo, para makapag-produce ang Pilipinas ng  sariling bakuna.

Imahe mula sa SII

Masayang ibinalita ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na ang posibilidad na magkaroon ng locally-produced vaccines ang Pilipinas ay isa sa magagandang resulta ng ginawa niyang pagbisita sa India kamakailan lang.

“Tayo rin po ay nakipag-usap sa Serum Institute of India upang pag-aralan ang possibilidad na ibalik ang kakayahan ng ating bansa na makapag-produce ng sarili niyong bakuna. Ang ganda ng SII, meron silang 136 scientists. Gusto po nilang tulungan tayo na tayo po ay makapag-produce ng sarili nating bakuna,” sabi ni Sec. Galvez.

May plano naman daw na isinumite sa kanya ang Research Institute for Tropical Medicine o RITM para mapalawig ang research and development program ng bansa, subalit inamin niya na mangangailangan iyon ng napakalaking pamumuhunan bagoiyon maisakatuparan.

“It will require investments, the economy of scale investment para sa ‘tin po talaga na magkaroon ng definitive na source ng vaccine,” ani Sec. Galvez.

Imahe mula sa Science News

Ibinalita rin ng kalihim na, pumirma siya ng kasunduan sa SII para sa 30 million doses Novavax COVID-19 vaccines na inaasahang darating sa third o fourth quarter ng 2021.

Aniya, ang SII ang nag-bulk manufacture ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca-Oxford University ng Britanya at ng bakunang na-develop ng Novavax, isang American pharmaceutical company.

Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…