Birthday pictorial ng isang 3-year-old baby boy kinaaliwan

  • Marami sa mga netizens ang nabagbag ang damdamin sa kuwento kung bakit army-themed ang naging tema ng birthday photoshoot ng isang baby boy
  • Paggunita at pagpupugay pala ito sa kaniyang amang sundalong sumalangit na noong 2018 dahil sa isang engkuwentro
  • Ang batang birthday celebrant ay 3 taong gulang pa lamang subalit napakatikas na sa kaniyang mga posing bilang sundalo

“Rewarding” sa pakiramdam ng isang magulang na makita ang anak na sinusundan nito ang kanyang yapak pagdating sa propesyon, trabaho, o adhikain.

Kaya naman, army-themed ang napili para sa birthday pictorial ng isang baby boy para sa kaniyang pagdiriwang ng ikatlong kaarawan, na ibinahagi sa opisyal na Facebook page ng ‘Bio Image Photography.’

Ito ay bilang pagpupugay at paggunita sa kaniyang namayapang sundalong ama noong 2018, na si Sergeant Jocejun Navalta ng Philippine Military. Ang 3 year-old baby boy naman ay si Yonjiero.

Imahe mula sa Facebook pag ng Bio Image Photography

“Parang nakikita ko ulit ang asawa ko sa kaniya. Para siyang muling isinilang,” saad ng balong inang si Mary Jean Navalta, matapos makita ang anak na nakasuot ng unipormeng pansundalo.

Kinaaliwan ng mga netizens ang kaniyang larawan, dahil talaga namang matikas na matikas ito sa kaniyang mga posing bilang sundalo.

“Cute kid. Happy birthday to him! I just hope that his father was not the abusive kind, a trigger-happy, power-hungry, and law-breaking military officer. If this kid does grow up to become part of the military, I hope he doesn’t become one of those kind,” panalangin ng isa.

Turan naman ng isa, “Nice pose kid! Be like your daddy who was a hero, who sacrificed his life for the liberty that we have right now! Sana maging katulad ka niya!”

“What a heart-warming memories recollections and photoshoots. Nakakatuwa lang na parang nanariwa ang lahat, dahil nagsuot siya ng uniporme, parang sinasabi niyang susundan din niya ang legacy ng tatay niya. Happy Birthday, baby boy!” wika naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook pag ng Bio Image Photography

Pahayag naman ng isa, “Ang astig naman ni baby boy! Pero sana maprocess sa kaniya yung essence kung bakit gumagamit ng baril ang isang pulis o sundalo, hindi ito dapat ginagamit basta-basta. Ginagamit lamang ito kapag talagang kailangang-kailangan dahil sa call of duty; otherwise, lahat naman nadadaan sa diplomasya.”

Happy 3rd birthday, Yonjiero!

Loading…