Birthday wish ng Pangulo ngayong pandemya: ‘Total eradication of COVID’

Screenshot mula sa RTVM Facebook video
  • Nagdiriwang ng ika-76 na kaarawan si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Linggo
  • Kasalukuyan siyang nasa Davao City kung saan siya naka-self quarantine
  • Hiling lang Pangulo na tuluyan nang matuldukan ang COVID pandemic

Ngayong Linggo, Marso 28, ay ipinagdiriwang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang ika-76 na kaarawan sa kaniyang bahay sa Davao City kung saan siya ay naka-self quarantine.

Ayon kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, nagdesisyon ang Pangulo na sumailalim sa self-isolation matapos payuhan ng kaniyang doktor at sa rekomendasyon na rin ng Presidential Security Group (PSG).

“In the midst of a global health crisis and under a cloud of gloom that has engulfed the horizon that placed in tatters our economy and placed the lives of our countrymen upside down in this beautiful country of ours, the President is marking his 76th birthday today, March 28,” ani Panelo sa isang pahayag.

Imahe mula sa Facebook – Sen. Bong Go

“The President is in Davao having a quiet and blissful celebration with his loved ones. He is in good health,” ayon pa sa opisyal sa panayam naman ng GMA News.

Ang kahilingan lang umano ng Pangulo ngayong kaarawan niya ay patuloy na sumunod ang mga tao sa health protocols at sana’y tuluyan nang matuldukan itong COVID-19 pandemic.

“His only birthday wish for our countrymen is to observe the minimum health protocols for their safety and protection, and the total eradication of the coronavirus, as the country is experiencing a surge in the number of infected COVID-19 cases,” ayon pa kay Panelo.

Screenshot mula sa PCOO video

Isang kaligayahan na raw sa isang tulad ni Pangulong Duterte, na may malaking responsibilidad, ang makalaro ang kaniyang mga apo.

“For a man in whose hands lie the heavy burden of steering the ship of state in these perilous times, he will be contented savouring the simple joy of playing with his grandchildren in Davao where he is now,” dagdag pa ng abogado ng presidente.

Noong nakaraang taon, ipinagdiwang din ng Pangulo ang kaniyang kaarawan na naka-self quarantine sa Malakanyang.

Loading…