British national hinahanap ang kaibigang Pinoy para pamanahan ng yaman

Im,ahe mula sa KMJS
  • Isang Briton ang naghahanap sa isang Pinoy na naging kaibigan niya noon sa Libya
  • Matagal na raw silang nawalan ng komunikasyon
  • Isinama ng Briton sa kanyang last will and testament ang Pinoy para pamanahan ng bahagi ng kanyang yaman

Isang British national mula sa Birmingham, England ang naghahanap sa isang Pilipino na aniya ay naging malapit niyang kaibigan matapos nilang magkakilala sa Libya maraming taon na ang nakalilipas.

Im,ahe mula sa KMJS

Ayon sa post ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa Facebook, gustong matunton ng Briton na nangngangalang Verne ang kaibigang Pinoy na ang pangalan ay Mar.

Sa isang restaurant sa Libya raw nagtatrabaho ang masayahing si Mar nang makilala niya ito noong taong 1979 0 1980.

“I met Mar when I was in Libya. That was around 1979 or 1980. He used to serve in a restaurant. He always had a cheery face,” anang Briton.

Naging malapit na magkaibigan daw sila mula noon, subalit naputol ang kanilang komunikasyon. Sumusulat daw sa kanya noon si Mar, pero hindi niya iyon sinasagot dahil hindi siya nakakapagsulat. Sa kalaunan ay huminto na rin daw ang kaibigan sa pagsulat sa kanya.

“We became really good friends. We haven’t been in touch since. Mar wrote to me, but since I can’t write, I never responded. The letters eventually stopped coming, too. But I genuinely wanted to go and visit him in Manila,” sabi ni Verne.

Minsang naglilinis siya ng bahay ay nakita raw niya ang mga sulat at  larawan na ipinadala sa kanya ni Mar. Humingi umano siya ng tulong sa mga kakilalang Pinay sa England para matunton ang kaibigan.

Im,ahe mula sa KMJS

Gusto raw niyang malaman ang kalagayan ni Mar. Isinama raw niya ito sa kanyang last will and testament.

Kamakailan lang umano ay natuklasan niyang may mabigat siyang karamdaman sa prostate. “This got me thinking that I should give a part of what I have to someone that deserves it. And that’s Mar,” sabi ni Verne.

Maraming Pinoy netizens ang  nanalangin para sa Briton na sana ay matagpuan niya ang kaibigang si Mar.

Source :

Facebook

Loading…