Cardinal Advincula ng Capiz itinalaga ng Vatican bilang bagong Manila archbishop

Bagong Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula| Imahe mula sa CBCP News
  • Mayroon nang bagong arsobispo ang Maynila kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle
  • Siya ay si Cardinal Jose Fuerte Advincula ng Capiz
  • Labinlimang buwan ding nabakante ang See of Manila na kasalukuyang pinangangasiwaan ni Bishop Pabillo

Mayroon nang bagong arsobispo ang Maynila kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle at ito ay sa katauhan ni Jose Fuerte Cardinal Advincula ng Capiz.

Nitong Huwebes, pormal nang itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Advincula bilang bagong Manila archbishop kapalit ni Cardinal Tagle na noong 2019 ay na-appoint bilang prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa Vatican.

Cardinal Advincula| Imahe mula sa Vatican News

Ang See of Manila ay nabakante sa loob ng 15 buwan dahil sa appointment ni Tagle at ito ay kasalukuyang pinangangasiwaan ni Auxiliary Bishop Broderick Pabillo bilang Apostolic Administrator.

Si Cardinal Advincula ay ipinanganak sa Dumalag, Capiz taong 1952. Siya ay nakatakdang magdiwang ng kaniyang ika-69 na kaarawan ngayong ika-30 ng Marso.

Cardinal Luis Antonio Tagle

Siya ay nag-aral sa St. Pius X Seminary High School sa Roxas City kung saan din siya nagtapos ng kursong Philosophy, bago kumuha ng kursong Theology sa University of Santo Tomas (UST) sa Maynila.

Pormal siyang naordinahan bilang pari noong April 14, 1976 sa Archdiocese of Capiz.

Si Advincula ay nanungkulan rin bilang Spiritual Director at Professor at Dean of Studies sa St. Pius X Seminary bago kumuha ng psychology sa De La Salle University, Canon Law sa UST at Angelicum sa Roma.

Taong 1999 naman nang siya ay maitalaga bilang parish priest sa Santo Tomas de Vilanueva a Dao.

Bishop Pabillo| Imahe mula sa PNA

Noong Hulyo 2001, itinalaga siya bilang Bishop of San Carlos ni Pope John Paul II. Makaraan ang sampung taon, siya ay naging Archbishop of Capiz sa pamamagitan ng appointment ni Pope Benedict XVI noong 2011.

Nitong nakaraang Nobyembre 2020, pormal siyang hinirang ni Pope Francis bilang cardinal at na-assign sa San Vigilio in Via Paolo Di Dono bilang Cardinal-Priest. Disyembre naman noong nakaraang taon din nang siya maging miyembro ng Congregation for the Clergy.

Loading…