Cash subsidy sa 4Ps beneficiaries hindi dapat ginagamit pang-tongits at pang-toma

Imahe mula sa DSWD
  • Nag-warning ang DSWD na sususpindehin ang 4Ps beneficiaries na gagamit ng tinatanggap na cash subsidy sa maling paraan
  • Ang polisiya ay kasunod ng nakalap na ulat ng DSWD na ginamit ng mga beneficiaries  ang emergency cash subsidy sa mga bisyo
  • Nilinaw ng DSWD na ang polisiya ay naglalayong himukin ang mga 4Ps beneficiaries na maging responsible at wais sa paggamit ng cash subsidy na ipinagkaloob sa kanila

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sususpendihin nito ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na mapatutunayang ginagamit ang natatanggap na cash subsidy sa mga bagay na ipinagbabawal batay sa isinasaad ng Memorandum Circular 38 o ang Guidelines on the Commission of Prohibited Acts by Pantawid Pamilyang Pilipino Beneficiaries during State of Calamity or National Emergency.

Imahe mula sa DSWD-VII

Kamakailan lang inilabas ng DSWD ang naturang memorandum na magpapatupad ng mas mahigpit na polisiya sa mga pasaway na beneficiaries. Ito ay kasunod ng nakalap na impormasyon ng ahensya na ilang beneficiaries ang sangkot sa mga ipinagbabawal na aktibidad matapos matanggap ang emergency cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program.

“We would like to imbibe to the 4Ps beneficiaries the sense of responsibility in using the subsidy to augment their needs. We know that the amount is not enough to cover all their needs, but it would be a great help, especially in purchasing their food and other essentials,” pahayag ni  DSWD-7 Director Rebecca Geamala.

“They are always reminded that the cash assistance must be put to good use, and should not be spent outside of its intended purpose, more so, illegal activities,” ayon pa sa DSWD-7 director.

Imahe mula sa DSWD

Awtomatikong masususpinde sa programa ang isang 4Ps beneficiary kapag napatunayang ginamit ang pera sa paraang ipinagbabawal ng programa katulad ng pagtotong-its, pagtoma, at iba pang bisyo.

Nilinaw ng DSWD na ang polisiya ay naglalayong himukin ang mga 4Ps beneficiaries na maging responsible at wais sa paggamit ng cash subsidy na ipinagkaloob sa kanila.

Screenshot mula kay PLtCol Heryl “Daguit” Bruno

BASAHIN: Tatlong 4Ps beneficiaries naaktuhang nagsusugal sa gitna ng COVID-19 crisis

Source :

DSWD, Facebook

Loading…