Cherry Blossoms na popular sa Japan, makikita rin sa Pilipinas

Imahe mula sa Go Tokyo
  • Sa pagitan ng mga buwan ng Marso at Abril ang panahon ng pamumukadkad ng cherry blossoms
  • Popular ang cherry blossom sa Japan na dinarayo pa ng mga turista
  • Sa Pilipinas ay mayroon ding mala-cherry blossom na bulaklak – ang Balayong

Ang Cherry Blossom ay isang uri ng bulaklak na matatagpuan sa maraming bahagi ng mundo, lalo na sa mga lugar na may katamtamang klima.

Imahe mula sa Go Tokyo

Ang Japan ay popular sa cherry blossoms nito dahil iba’t ibang uri ang matatagpuan doon. Ang pamumukadkad nito ay ipinagdiriwang ng mga Hapones. Sumisimbolo kasi ito sa tagsibol at bagong panimula.

Sandali lang ang pamumukadkad ng cherry blossoms – pinakamatagal na ang dalawang linggo – kaya sinasamantala iyon ng mga mamamayan ng Japan na magsagawa ng mga picnic parties na tinatawag nilang “hanami” (flower viewing) upang masdan ang kariktan ng mga bulaklak.

Sa panahon ng cherry blossoms ay maraming mga turistang Pinoy ang dumarayo sa Japan upang masilayan ang naggagandahang mga bulaklak na may mala-rosas na kulay, subalit hindi nila ito magagawa ngayon dahil sa pandemya.

Mabuti na lang ay mayroon ding bulaklak dito sa bansa na katulad ng cherry blossom – ang Balayong.

Mayroon nito sa Palawan. Sa katunayan ay ginagawa na ring tourist attraction ang pamumukadkad nito. May mga parke sa probinsya na tinamnan ng mga Balayong na mabibisita ng mga turista.

Imahe mula sa Palawan Daily News

Sa ngayon ay limitado lang din ang makakabisita sa Palawan dahil sa pandemya. Ang mga taga- Maynila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan na tinatawag na NCR+, na isinailalim sa mahigpit na general community quarantine, ay pinagbabawalang magtungo sa ibang probinsya.

Mabuti na lang at mayroon ding mga Balayong sa Cavite na maaari nilang mabisita. Makikita ang mga ito sa De La Salle Medical Center-Medical Arts Center sa Dasmariñas City.

Basahin:  Cherry Blossoms-like trees in Sarangani emerges as new summer attraction

Imahe mula kay JoeySantiago71

Loading…