China walang hinihinging kapalit ng donasyong COVID vaccine – Duterte

Screenshot mula sa RTVM video
  • Walang hinihinging kapalit ang China sa donasyon nitong bakuna sa ‘Pinas
  • Kabaligtaran umano ito sa hinihingi ng mga Amerikano na base militar
  • Itinanggi naman ni Roque na nagiging ‘malambot’ ang Presidente pagdating sa China

Matapos ang ilang buwang paghihintay, dumating na rin sa bansa ang pinakaunang tranche ng COVID-19 vaccine upang masimulan na ang inoculation program ng gobyerno.

Dumating nitong Linggo, Pebrero 28, ang 600,000 doses ng Sinovac vaccine mula sa China na siyang gagamitin sa mga health workers at uniformed personnel ng AFP. Ito ay donasyon ng China at walang babayaran ang Pilipinas.

Screenshot mula sa RTVM video

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, walang hinihinging kapalit ang China para dito.

“China never asked for anything. China has been giving us everything but never asked anything from us actually,” anang Pangulo sa kaniyang talumpati sa ginanap na turnover ceremony ng Sinovac vaccine sa Villamor Air Base.

Kabaligtaran naman daw ito sa Estados Unidos hinggil sa usapin ng Visiting Forces Agreement (VFA) dahil ang hinihingi ng mga Amerikano ay military base.

Iginiit ni Duterte na hindi siya papayag na magdala sa bansa ng nuclear warheads ang mga Amerikano.

“That’s the guarantee that I ano — na hindi ako papayag. Not because it will antagonize China but it is in the Philippine Constitution, which prohibits the presence of nuclear armaments in the country,” paliwanag ng presidente.

Screenshot mula sa RTVM video

Kapag magkaroon daw kasi ng sigalot at mangyari ito sa Spratly island sa West Philippine Sea, tiyak na Pilipinas ang unang tatamaan dahil napakalapit lang ng  ating mga probinsiya sa nasabing dagat.

Ipinagtanggol naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging pahayag na ito ng Pangulo.

“Ang ginagawa lang naman po ni Presidente ay nakikipagmabuting kapitbansa sa bansang Tsina dahil sa gustuhin at ayaw natin, talaga namang kapitbansa natin iyan ‘no,” ayon sa tagapagsalita ng Palasyo.

Hini rin daw ito nangangauhulugan na bagama’t ‘matigas’ ang Pangulo pagdating sa Estados Unidos, naging tila ‘malambot’ naman ito pagdating sa China.

Loading…