Chinese-Filipino business group nag-aalok ng bakuna sa kaanak ng members nito sa halagang P2,000

Screenshot mula sa GMA video
  • Itinanggi ng FFCCCII na awtorisado nito ang poster na may logo ng grupo na lumabas at nag-aalok na mabakunahan ang mga kaanak ng members ng pederasyon sa halagang P2,000
  • Gagawin umano ang vaccination sa tatlong pagamutan sa buwan ng Abril
  • Nilinaw ng FFCCCII president na si Dr. Henry Lim Bon Liong na ang bakunang binili ng grupo ay para lang sa kanilang members at employees

Makikita sa isang poster na may logo ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated (FFCCCII) na nag-organisa ito ng COVID-19 vaccination para sa mga members nito na gustong mabakunahan na ang kanilang pamilya.

Screenshot mula sa GMA video

Gagawin daw ang pagbabakuna sa tatlong pagamutan  – Manila Doctors Hospital, Chinese General Hospital at Metropolitan Medical Center – na nakatakda sa April.

“For those who wish for their family members to be vaccinated ASAP,” ang mababasa sa poster.

Sa halagang P2,000 ay dalawang doses na ng Sinovac COVID-19 vaccine ang ibibigay. Kasama na raw doon ang logistics fee, pero may babayaran pang administrative fee.

Sinabi naman ng FFCCCII president na si Dr. Henry Lim Bon Liong na hindi awtorisado ng pederasyon ang naturang poster.

“In fact, when we found out about it yesterday, we already requested to take it out because we are not reselling the vaccines,” sabi ni Liong.

Kinumpirma ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na nakipag-ugnayan sa National Task Force Against COVID-19 ang FFCCCII tungkol sa pagbili nito ng Sinovac vaccine, pero nilinaw niya na hindi maaaring ipagbili ang mga iyon dahil emergency use authorization lang ang ibinigay ng Food and Drug Administration para sa Sinovac.

Screenshot mula sa GMA video

“So the distribution and administration of that vaccine, will still be administered by the national government in coordination with the private sector and the LGU. The arrangement is they will buy Sinovac product for the purpose of donations,”  wika ni Sec. Galvez.

Nilinaw ni Liong na ang mga bakunang binili ng FFCCCII ay para lang sa mga members at empleyado nila.

Loading…