Chris ‘Captain America’ Evans gustong bumisita sa Pilipinas

Imahe mula sa Smart
  • Hollywood superstar Chris “Captain America” Evans gustong bumisita sa Pilipinas 
  • Si Chris Evans ang pinakabagong endorser ng Smart 
  • Inilunsad siya bilang ang mukha ng “Live Smarter for a Better World” 2021 campaign ng Smart noong nakaraang linggo sa isang 2-minute video kung saan sa bandang dulo nito ay nagsalita siya ng Tagalog 

Gustong bisitahin ng Hollywood Superstar na si Chris Evans, popular sa pagganap bilang Captain America sa Marvel Cinematic Universe, ang Pilipinas sa oras na alisin na ang travel restrictions at mas ligtas na ang pagbibiyahe.

Imahe mula sa Smart

Sa isang virtual press conference na isinagawa ng Smart telecommunications company, sinabi ni Evans sa mga miyembro ng press ang mga pinaplano niya bilang bagong brand ambassador ng Smart. Kasama raw doon ang pagbisita sa bansa.

“I’ve heard great things. Great beaches! I’ve heard that today, actually. I heard great food. Wonderful people. I mean every time I am in any sort of Asian territory it’s always hard to leave because it is incredibly welcoming and aesthetically beautiful so I am eager to visit,” aniya.

Handa naman umano ang Smart na ipasyal si Evans sa magagandang lugar sa Pilipinas kapag bumisita ang aktor sa bansa.

“Actually when we had a conversation with him, I told him that he has an open invitation to come to the Philippines, visit the islands and even bring him to Amanpulo if he wants to. Hopefully when travel restrictions are lifted and it’s safe for him to travel, he’d love to come to the country and visit us here,” sabi ni Al Panlilio, ang Smart Communications president at CEO.

Imahe mula sa Smart

Si Chris Evans ay inilunsad bilang ang mukha ng “Live Smarter for a Better World” 2021 campaign” ng Smart noong nakaraang linggo sa isang 2-minute video kung saan sa bandang dulo nito ay nagsalita siya ng Tagalog.

Loading…