Circuit breaker lockdown pinag-iisipang ipatupad dahil sa COVID-19 surge

Screenshot mula sa ABS-CBN
  • Pinag-aaralan ng IATF ang pagpapatupad ng circuit breaker lockdown dahil sa pagdaming muli ng  COVID-19 cases
  • Ang salitang circuit breaker lockdown ay hango sa circuit breaker na isang electrical switch na idinisenyo upang awtomatikong itigil ang daloy ng kuryente kapag nagkaroon ng short circuit
  • Ang circuit breaker  lockdown ay iminungkahi ng UP OCTA Reseach group

Pinag-iisipan ng pamahalaan ang posibilidad na magpatupad ng tinatawag na circuit breaker lockdown upang hindi magtuloy-tuloy ang muling pagdami ng mga COVID-19 cases sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.

Imahe mula sa Filipino News

Pinag-usapan na umano ito sa huling meeting ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases noong Huwebes, March 18, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“I think circuit breaker ito po iyong immediate measures that can be implemented para huwag na magtuluy-tuloy ang projections,” pahayag ni Sec. Roque, na kasalukuyang naka-quarantine matapos tamaan ng COVID-19.

Ang salitang circuit breaker lockdown ay hango sa circuit breaker na isang electrical switch na idinisenyo upang awtomatikong itigil ang daloy ng kuryente kapag nagkaroon ng overload o kaya’y short circuit.

Ang circuit breaker  lockdown ay iminungkahi ng UP OCTA Reseach group. Tinatawag din nila itong “hard GCQ” (general community quarantine) at “soft ECQ” (enhanced community quarantine).

Ayon kay Professor Ranjit Rye ng UP OCTA Research Team, mahalaga ang pagsunod sa mga health protocols, subalit hindi umano iyon sapat upang mapigilan ang pagragasa ng mga bagong COVID-19 cases.

Screenshot mula sa GMA video

Sabi niya, naging masyado nang  maluwag ang social gatherings  sa ilalim ng kasalukuyang GCQ.

Importante umano na maibaba sa at least “1” ang reproduction rate ng coronavirus na ngayon ay nasa 1.9.

Nilinaw naman ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na ang circuit breaker lockdown ay hindi nangangahulugan na ibabalik ng gobyerno ang napakahigpit na ECQ.

Aniya, isang paraan sa ilalim nito ay bababaan ang kapasidad ng ilang establisimyento upang “mapatid ang kadena ng hawaan.”

Imahe mula sa PCOO

“Isang pamamaraan para mas mabilis na mapigilan ang kadena ng hawaan. Ang gagawin dito, palalakihin lang ‘yung restriction. Halimbawa dati 50 percent sa restaurant gagawing 30 percent ‘yung puwedeng kumain… O ‘yung mga iba pang mga public places,” paliwanag ni Sec. Duque.

Loading…