COVID-19 posibleng maging seasonal na, ayon sa team ng UN experts

Imahe mula sa Bloomberg
  • Maaari umanong maging seasonal ang COVID sa mga darating na taon
  • Base ito sa natuklasan ng mga UN experts
  • Sa ngayon, hindi raw dapat maging basehan ang kalagayan ng panahon o klima para magluwag

Posibleng mag-develop para maging isang seasonal na sakit ang COVID-19 ayon sa team ng mga UN experts na patuloy na tinutuklas ang misteryo sa likod ng mabilis na pagkalat ng virus (Sars-CoV-2) na ito.

Dahil dito, binalaan ng mga eksperto ang publiko laban sa pagiging kampante at pag-relax ng mga health protocols base lamang sa tinatawag na ‘meteorological fatcors’ tulad ng pagbabago ng klima o panahon.

Imahe mula sa Green Climate Fund

Sa pinakaunang ulat ng team, na binuo ng UN World Meteorological Organization, at binubuo ng 16 katao, sinabi nitong may natuklasan silang ilang indikasyon na maaaring mag-develop kinalaunan ang COVID-19 sa pagiging ‘seasonal menace’.

Nabanggit din sa ulat na ang mga respiratory viral infections ay karaniwang seasonal talaga, “in particular the autumn-winter peak for influenza and cold-causing coronaviruses in temperate climates.”

“This has fuelled expectations that, if it persists for many years, Covid-19 will prove to be a strongly seasonal disease,” ayon sa ulat.

Sa kasalukuyan, ang dynamics ng COVID-19 ay pangunahing naiimpluwensiyahan ng ginagawang hakbang ng gobyerno para makontrol ito tulad ng pagpapasuot ng face masks sa mga tao at paghihigpit sa kanilang galaw at biyahe, at hindi ng klima o panahon.

Imahe mula sa ADB

Kaya ayon sa team, ang kalagayan ng klima o panahon, sa ngayon, ay hindi dapat maging basehan para luwagan ang mga COVID restrictions.

“At this stage, evidence does not support the use of meteorological and air quality factors as a basis for governments to relax their interventions aimed at reducing transmission,” ayon kay Ben Zaitchik, co-chair ng team at mula sa The John Hopkins University earth and sciences planetary department.

Dagdag pa ni Zaitchik, sa unang taon ng pandemya, tumaas ang bilang ng infections sa ibang mga lugar noong panahon ng tag-init, at malaki ang posibilidad na muli itong maulit ngayong taon.

Nasasaad din sa ulat na base sa pag-aaral sa laboratory, ang virus ay nabubuhay nang mas matagal sa malamig na panahon kung saan mababa ang ultraviolet radiation.

Gayun pa man, hindi pa malinaw kung ang mga ‘meteorological influences’ ay may malaking impluwensya sa mabilis na pagkalat ng COVID sa tunay na kondisyon sa labas. Bukod dito, ‘inconclusive’ pa rin umano kung ano ang impact ng kalidad ng hangin sa virus.

Loading…