DA kinuwestyon sa P1k per sack na fertilizer na nabibili lang sa halagang P850

Imahe mula sa Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura
  • Kinuwestyon ng mga mambabatas ang diumano ay overpriced fertilizer na binili ng DA
  • Nagtakda ng P1,000 per sack na budget ang DA para sa urea fertilizers gayong ang bentahan niyon sa retalers ay nasa P850 hanggang P900 lang kada sako
  • Paliwanag ng DA, ang P1,000 per sack ng fertilizer ay mas mababa kaysa sa average national price na P1,100 per sack

Kinuwestyon ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ng kongreso ang mga fertilizers na binili ng Department of Agriculture (DA) noong 2020 na nagkakahalaga ng P5.69 billion dahil mataas ang presyo nito kumpara sa presyo ng mga retailers.

Screenshot mul sa virtual hearing ng House Committee on God Governance and Public Accountability

Sa hearing ng House Committee on Good Governance and Public Accountability noong Martes, ika-16 ng Marso, ginisa ni Nueva Ecija Representative Micaela Violago ang DA kung bakit nagtakda ng Approved Budget for the Contract ang ahensya na P1,000 kada sako na may timbang na 50 kilos gayong ang retail price ng urea fertilizer ay nasa pagitan lang ng P850 hanggang P900 kada sako.

Dapat daw na mas mababa ang presyo ng pagbili sa fertilizers dahil wholesale ito binili ng ahensya at hindi retail.

Paliwanag ng DA, ang P1,000 per sack ng fertilizer na budget ng ahensya ay mas mababa kaysa sa average national price na P1,100 per sack. Ang datos ay nakalap umano ng Philippine Statistics Authority at ng Fertilizer and Pesticide Authority.

Ang ipinagtataka ni Rep. Violago ay mayroon namang bidder na nag-bid ng presyong P850 per sack pero diniskwalipika iyon.

Ayon kay DA Undersecretary Waldo Carpio, isa lang ang nakapagsumite ng bid sa takdang oras noong unang emergency purchase na ginawa ng ahensya – ang La Filipina Uy Gongco.

Dalawa naman ang winning bidders sa ikalawang emergency purchase ng fertilizer – ang La Filipina Uy Gongco at Atlas Fertilizer na ang alok na presyo ay nasa pagitan ng P900 at P950 kada sako.

Imahe mula sa DA

Iginiit ni Rep. Violago ang pagtataka sa diskwalipikasyon sa ilang bidder dahil ang winning bidder ay wala rin namang sapat na stock ng fertilizer para sa order ng DA.

Hindi rin umano nasunod ng nanalong bidder ang pag-deliver ng mga fertilizer sa takdang oras.

Sinabi ni DA Undersecretary Ariel Cayanan na ang pagkakaantala sa delivery ng fertilizer ay sanhi ng ipinatupad na lockdown o enhanced community quarantine sa bansa.

Tiniyak naman ni DA Secretary William Dar na sinunod ng ahensya ang bidding process.

Aniya, may mga fertilizer companies nga na mas mura ang presyong alok pero maaring hindi sila lumahok sa bidding o kaya naman ay na-disqualify habang ginagawa ang bidding process.

Imahe mula sa DA
Source :

Facebook, Abante, DA

Loading…