Dahlia Ame?lie Heussaff ipinagdiwang ang 1st birthday

  • Nagdiwang ng 1st birthday si Dahlia Ame?lie dito sa Pilipinas
  • Nakauwi na sa Pilipinas ang kanilang pamilya matapos maabutan ng lockdown sa Australia
  • Nagpaabot naman ng sweet message sina Anne at Erwan sa kani-kanilang mga Instagram accounts

Ipinagdiwang ng celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff ang 1st birthday ng kanilang unica hija na si Dahlia Ame?lie.

“She owns every little bit of my heart. Happy 1st Birthday to my Dahlia Ame?lie. I love her to the moon and back infinity times,” saad ni Anne sa kanyang Instagram post nitong Martes, Marso 2, 2021. Kamakailan lamang ay nakabalik na ang pamilya rito sa Pilipinas matapos maabutan ng lockdown sa Australia.

Imahe mula sa Instagram account ni Anne Curtis

“And to quote one of my favorite books by Robert Munsch that I love to read to her with so much feelings- I’ll love you forever, I’ll like you for always, As long as I’m living, my baby you’ll be,” dagdag pa ni Anne.

“P.S- I promise to buy her clips for her bangs!!! Not ready to cut it yet!”

May makahulugang mensahe rin si Erwan sa kaniyang Instagram post para sa kaniyang unica hija.

“Here is to a year when absolutely nothing went according to plan, except for this little bright light. When days crawled and months raced by. When I became a student again and she, my teacher. Happy 1st birthday!”

Marami sa mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ni Anne at Erwan ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa firstborn ng dalawa.

Imahe mula sa Instagram account ni Erwan Heusaff

Kahit na malayo sa Pilipinas, nagagawa pa rin nilang magbigay ng update habang nasa ibang bansa, sa pamamagitan ng kani-kanilang mga social media accounts. Saksi ang kanilang mga followers sa milestone nila: ang growth at development ng kanilang unica hija.

Sinabi ni Anne na muli siyang babalik nang full-time sa showbiz kapag naka-isang taon na ang anak.

Muli siyang babalik bilang isa sa mga mainstay hosts ng noontime show na “It’s Showtime” simula pa noong 2009.

Loading…