Dalawang public school teachers kinilala sa 2020 Search for the Brightest STAR

Image by DOST via website
  • Dalawang public school teachers kinilala sa 2020 Search for the Brightest STAR ng DOST-SEI
  • Kinilala sina Janice M. Baldelovar ng Don Restituto Central School at Don King O. Evangelista ng Navotas National Science High School
  • Layunin ng STAR Award na mapataas ang morale ng mga guro na siyang magbubunsod ng kultura ng inobasyon

Kinilala sa katatapos lamang na 2020 Search for the Brightest Science Teacher Academy for the Regions (STAR) ng Department of Science and Technology – Science Education Institute (DOST-SEI) ang dalawang pampublikong guro.

Image by PNA via website

Layunin ng STAR Award na mapataas ang morale ng mga guro na siyang magbubunsod ng kultura ng inobasyon. Ibinibigay ito sa mga mahuhusay na guro sa Science at Mathematics na patuloy na inia-apply ang natutunan mula sa STAR training ng DOST-SEI sa pagtuturo at sa teaching communities.

Ang mga kinilala sa virtual awards ceremony noong March 3 ay sina Janice M. Baldelovar ng Don Restituto Central School sa Region X sa larangan ng Mathematics education at Don King O. Evangelista ng Navotas National Science High School sa NCR sa larangan ng Science teaching work.

Nakatanggap sina Baldelovar at Evangelista ng cash prize na P100,000, tropeo at plaque of recognition.

“Mr. Evangelista and Ms. Baldelovar are teachers who fearlessly accepted the challenges of learning new and innovative teaching strategies and incorporating those into their instructions,” ani DOST Secretary Fortunato “Boy” T. de la Peña.

Pinapurihan din ni DepEd Sec. Leonor Briones ang lahat ng finalists, kinilala ang kanilang kapasidad at flexibility para makapagbigay ng high-quality, accessible at safe STEM education sa gitna ng kawalang katiyakan at pag-aaalala dala ng COVID-19.

Sec. Briones| Imahe mula sa DepEd Facebook

Mula sa 70 nominado para sa STAR award mula sa 16 rehiyon ng bansa, anim ang napili bilang national finalists.

National finalists, maliban kina Baldelovar at Evangelista, sina Mark Joseph Pastor ng Ilocos Norte College of Arts and Trades, Janeve Caballa ng El Salvador Central School, Mark Joseph Cometa ng Palina East National High School at Mark Anthony Leido ng San Teodoro National High School.

Nakatanggap ng tig-P10,000 at plaque of recognition ang mga national finalists.

Image by DOST via website

Loading…