Dapat nga bang ‘makialam’ ang mga magulang sa pagpili ng mapapangasawa ng anak?

  • Sinagot ng isang kilalang preacher kung bakit madalas na “nakikialam” ang mga magulang sa love life ng mga anak
  • Normal lamang daw ito dahil pagpapakita ito ng pagmamahal ng mga magulang
  • Isa pa, damay sila kung sakali mang masaktan ang anak dahil sa desisyong pinasok niya

Dapat nga bang manghimasok ang mga magulang sa pagpili ng kanilang anak sa taong mapapangasawa o makakasama niya habambuhay, kapag nasa hustong edad na ito?

Iyan ang tiyakang sinagot ng kilalang preacher at manunulat na si Ed Lapiz sa kaniyang Facebook post. Idinaan niya ito sa estilong “Q and A portion.”

Ang tanong: “Bakit po mahilig makialam ang mga parents sa love life ng anak?” na may pakahulugang dapat nga bang makialam ang mga magulang sa mga anak pagdating sa usaping pag-ibig?

Public Domain Image

Sagot ni Pastor Ed, “Hindi pakikialam ‘yan kasi parents mo sila! Talagang kasama/kasali sila sa buhay mo kaya hindi ‘yan pakiki-alam! Kapag nagkamali ka, nabigo, nasugatan, nawasak, nawindang, KASAMA AT DAMAY SILA!”

“At mahal ka nila, concerned sila at may experience na kaya more often than not, wise ang payo nila! Kaya makinig sa parents! Huwag mainis. Mapalad ang may parents—lalo kung concerned at nagpapayo ang parents!”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Oo nga naman! Tama! Sino ba ang tatakbuhan natin kapag nadapa tayo o kaya nagkamali sa pagpili ng taong mamahalin? Syempre, pamilya!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes I agree. Okay lang naman kasi kapakanan lang naman ng mga anak nila ang iniisip ng mga magulang. Mahirap kayang maging magulang. Kahit malalaki na ang mga anak mo, ang naiisip pa rin ng mga magulang, mga little boys and girls pa rin sila.”

“Ok lang naman, pero minsan, dapat hayaan din ng mga magulang na magdesisyon sa kanilang mga sarili ang mga anak nila, lalo na kapag nasa tamang edad na. Para matuto,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Ikaw, sang-ayon ka ba o tutol sa opinyong ito?

Source :

Facebook

Loading…