Dating Pangulong Erap Estrada isinugod sa ospital dahil sa COVID-19

Imahe mula sa RMN
  • Isinugod sa pagamutan si dating Pangulong Joseph Estrada Linggo nang gabi
  • Nagpositibo umano sa COVID-19 ang dating presidente, ayon sa kaniyang anak na si Jinggoy Estrada
  • Sa kasalukuyan ay maayos naman ang kalagayan ni Pangulong Erap at humihingi ng panalangin ang kaniyang pamilya

Isinugod sa pagamutan si dating Pangulong Jose ‘Erap’ Estrada matapos magpositibo sa COVID-19 ayon sa kaniyang anak na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Sa kaniyang Facebook post nitong Linggo nang gabi, ibinahagi ng dating mambabatas ang nangyari sa kaniyang ama.

Screenshot mula sa Facebook/ JE Estrada

“Nais ko pong ipaalam sa inyo na ang aking ama , na si dating pangulong Joseph Estrada, ay isinugod namin sa ospital kagabi sa kadahilanan ng panghihina ng kanyang katawan,” ani Jinggoy.

“Na-diagnose na po siya na positibo sa covid 19,” dagdag pa ng actor-politician.

Sa kasalukuyan, maayos naman umano ang kalagayan ni Erap at humihingi ng panalangin ang kaniyang pamilya para sa paggaling ng dating lider ng bansa.

Imahe mula sa Facebook | Isko Moreno Domagoso

“Stable po ang kanyang kundisyon at ako po ay humihingi ng inyong mga panalangin sa kanyang agarang paggaling,” wika pa ni Jinggoy.

Sa hiwalay na Facebook post, humingi rin ng panalangin ang isa pang anak ni Erap na si dating Senador JV Ejercito.

“Please pray for my father who has tested positive for COVID-19 and was rushed to the hospital. Please pray for all those who are likewise fighting this virus,” ayon kay Ejercito.

Screenshot mula sa Facebook/ Sen. JV Ejercito

Ang 83 anyos na Estrada patriarch, na dati ring vice president ni Fidel V. Ramos, ay nanungkulan bilang presidente mula 1998 hanggang 2001 bago ito napatalsik matapos sampahan ng reklamong impeachment sa Kongreso dahil sa alegasyon ng kurapsyon.

Nanilbihan din si Erap bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila sa dalawang magkasunod na termino simula 2013 hanggang 2019 bago siya natalo sa eleksiyon ni kasalukuyang Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Loading…