DepEd rerepasuhin ang ‘gender bias’ na learning module – Opisyal

Imahe mula sa Facebook ni Hess Lapid
  • Rerepasuhin at babaguhin ng DepEd ang diumano’y gender-bias na module
  • Pinuna kasi ito ng isang Grade 5 na estudyante na gumawa pa ng sulat para sa DepEd
  • Ayon sa ahensiya, patunay ito na mulat na ang ilang kabataan sa ganitong mga usapin

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na rerepasuhin nila at babaguhin ang diumano’y ‘gender bias’ na module na naging paksa ng balita kamakailan matapos sumulat sa ahensiya ang isang estudyante tungkol dito.

Magugunitang isang Grade 5 student sa Polomolok, South Cotabato ang gumawa ng sulat para sa DepEd upang punahin ang pagiging ‘gender bias’ ng isang learning module na pinasasagutan sa kanila.

Imahe mula sa Facebook ni Hess Lapid

Ibinahagi sa social media ni Michael Jess Lapid, ang ama ng batang estudyante na nakilalang si Miguel Lapid, ang sulat na ginawa ng kaniyang anak pati ang larawan ng module.

Sa nabanggit na module ay pinasasagutan kung sa lalaki ba o sa babae makikita ang mga katangiang nakasaad tulad ng pagiging malakas, iyakin, astig, mahinhin, paiba-iba ang modo at matapang.

Ayon naman kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, ire-review nila ang nasabing module.

“The Schools Division of South Cotabato has already convened a meeting of concerned writers, evaluators, and supervisors to revisit and revise any module not aligned with our policy on gender sensitivity,” pahayag no San Antonio sa ulat ng ABS-CBN News.

Pinasalamatan din ng opisyal ang estudyante dahil sa sulat na ginawa niya upang mapukaw ang atensiyon ng DepEd. Patunay umano ito na mulat na ang iba nating kabataan pagdating sa isyu ng gender stereotyping.

Imahe mula sa Facebook ni Hess Lapid

“This instance is proof that our learners, parents, and personnel are indeed engaged in their respective roles in advocating zero-tolerance against any form of gender discrimination in the community,” saad ng DepEd official.

Nangako rin si San Antonio na hindi nila kukunsintihin ang mga ganitong sensitibong usapin.

Basahin: Grade 5 student sumulat sa DepEd para punahin ang ‘gender bias’ sa module

Sa sulat ni Miguel, sinabi nitong ang pagiging lalaki ay hindi nangangahulugan na automatic na matapang at tigasin agad sapagkat marami rin umanong natatakot at umiiyak.

“So, in summary, this activity may hurt people who see it because of its stereotyping and bias,” ayon sa 11-anyos n a estudyante.

Loading…