Director ng Daddy’s Gurl nag-react sa boycott ng true blooded Aldub Nation

Imahe mula sa GMA
  • Bino-boycott ng AlDub fans ang Daddy’s Gurl at producers nitong M-Zet Production at APT Entertainment
  • Nagsimula ang boycott nang mag-guest sa sitcom si Arjo Atayde, ang boyfriend ni Maine Mendoza
  • Hindi naman nagpatinag sa boycott ang Daddy’s Gurl director na si Chris Martinez

Ilang araw nang trending sa Twitter ang panawagang boycott ng “true blooded” AlDub Nation (ADN) sa Daddy’s Girl na pinangungunahan ni Maine Mendoza at Vic Sotto at sa  mga producers ng sitcom.

Imahe mula sa GMA

Maging ang mga kumpanyang naglalagay ng advertisement sa Daddy’s Gurl ay pinuntirya rin ng ADN. Hindi rin pinaligtas ng grupo ang GMA na tinawag nilang “Kapuso Network na walang puso.”

Nag-ugat ang boycott ng ADN sa pag-guest ni Arjo sa sitcom noong birthday ni Maine. Si Arjo at Maine ay magkasintahan sa totoong buhay.

Hindi tanggap ng ADN na itambal sa iba si Maine Mendoza. Para sa kanila hindi dapat binuwag ang tambalang AlDub nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine) na naging sobrang popular noong 2015 hanggang 2016.

Noong Miyerkules ay nakitang patuloy pa rin ang panawagan ng grupo  sa Twitter na i-boycott ang Daddy’s Gurl, at ang producer nito na M-Zet Productions at APT Entertainment. Maging ang noontime show na Eat Bulaga ay bino-boycott din ng “true blooded” ADN dahil sa host na si Vic Sotto na may-ari ng M-Zet Productions.

Screenshot mula sa Daddy’s Gurl

Ang panawagan ng mga fans ng AlDub ay pagtambalin ulit ang dalawa sa mga proyekto, hindi lang bilang co-hosts sa Eat Bulaga.

Hindi naman nagpapatinag ang director ng Daddy’s Gurl na si Chris Martinez sa mga pasaring ng ADN.

Sabi ng ADN, natatakot na raw si direk sa boycott na ginagawa nila. Sinagot ito ni Direk Chris Martinez.

“Hindi po ako takot. Busy lang. Sayang oras. At quota na ang mata ko sa mga kabastusang salita. Huwag mong isipin na kaya ka blinock kasi nakakatakot ka. Kaya ka na-block kasi bastos at istorbo ka. K, bye,” tweet ng director.

Screenshot ng tweet ng iisang AlDub fan

Nakiusap din siya sa ADN na itigil na ang pambabatikos sa Daddy’s Gurl dahil lang sa pag-guest ni Arjo at pinayuhan na mag-move on na.

“Baka lang makatulong: The five stages (of grief): denial, anger, bargaining, depression and acceptance. Kayo na po mag-assess kung nasaang stage na po kayo. Peace And enjoy life! Let’s move on,” aniya.

Isang AlDub fan ang nakiusap kay Direk Chris na sana raw ay i-guest ulit si Alden Richards sa Daddy’s Gurl, na una nang ginawa noong March 9, 2019.

“Direk, may chance po ba mai-guest ulit si Alden? Kung may team real, meron din fans na team reel/team AlDub brand. Tanggap namin reality pero sana pagbigyan din po kami na mag-reunion si Stacy at Aldrich (karakter ni Maine at Alden sa Daddy’s Girl). Mas kilig kasi kami sa reel vs real. Salamat direk,” sabi ng tagahanga ng AlDub.

Imahe mula sa AlDub Nation

Dahil maayos itong nakiusap ay maayos din itong sinagot ni Direk Chris.

Aniya, “Noted. Kasi nice ka mag-ask. Unlike the others. No promises though.”

Source :

PEP, Twitter

Loading…