DITO matatagalan pa bago makahabol – PLDT

Imahe mula sa PLDT/DITO
  • Hindi banta sa PLDT ang DITO Telecommunity na maglulunsad na sa Marso 8
  • Malayo pa umano ang tatakbuhin ng third telco para makahabol sa kanila at sa Globe
  • Hindi raw ganun kadali at kabilis ang pag-roll out ng network

Sa ngayon, hindi itinuturing na banta ng PLDT ang tinaguriang third telco sa bansa na DITO Telecommunity na nakakasa na ang commercial rollout sa Marso 8.

Ayon sa ilang opisyal ng PLDT, hindi pa maaaring tapatan ng DITO ang kasalukuyang katayuan ng PLDT, at maging ng Globe.

Imahe mula sa PLDT Facebook

“We cannot comment on what DITO is doing, but what I can really tell you is as far as we have information in the areas DITO is launching, they cannot get even close on the coverage we have already,” ani PLDT-Smart chief Technology and Information advisor Joachim Horn nang tanungin kung ano ang kanilang ginagawang paghahanda sa pagpasok ng bagong karibal.

Nauna nang ibinahagi ng DITO na nakapagtayo na sila ng nasa 1,900 cell towers sa iba’t-ibang panig ng bansa. Pumasa na rin ang kumpanya ni Dennis Uy sa unang technical audit kung saan nakapagtala ito ng 85.9 Mbps minimum na speed sa 4G network, at 507.5 Mbps sa 5G.

Subalit malayo pa umano ito sa PLDT na mayroon nang 16,000 cell towers, at maging sa Globe na halos marami na ring cell cites na naipatayo.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

“So, therefore they will take a long time to catch up, even in remote areas because it’s not easy to roll out a network in no time,” ani Horn.

Nakahanda na rin umano sila sa anumang hamon ng third telco at patuloy na pagbubutihin ang kanilang serbisyo.

“I would not be too concerned about DITO because we will be always ahead of our network. We will not stop working every day. We are benchmarking ourselves on a daily basis and we want to step forward and we want to lead the industry from a performance perspective. We are not done by no means,” dagdag pa ni Horn.

Ang DITO ay pormal nang maglulunsad sa Marso 8 sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas. Inaasahan namang Luzon ang susunod nilang pagtutuunan ng pansin sa mga darating na buwan.

Loading…