DOH aminadong ‘nasisingitan’ ng mga hindi naman health workers ang vaccination line

Vaccination program ng gobyerno| Imahe mula sa Wikipedia
  • Aminado ang DOH na mayroong sumisingit sa vaccination line na hindi naman health workers
  • Subalit hindi raw talaga ito maiiwasan at maliit lang naman ang bilang ng mga sumisingit
  • Ganunpaman, mali pa rin daw ito at dapat matigil, ayon sa DOH

Aminado ang Department of Health (DOH) na nakatatanggap sila ng mga ulat tungkol sa ‘pagsingit’ ng mga non-health workers sa vaccination line na ipinatutupad ng gobyerno.

“We’ve had reports of these although we have been saying that this can’t be because we have a prioritized vaccination in terms of the healthcare workers but this has been observed,” ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega sa panayam ng ANC.

USec. Leopoldo Vega| Screenshot mula sa ABS-CBN video

WIka pa ng opisyal, maliit lang naman daw ang bilang ng mga ‘sumisingit’ sa linya at talagang hindi rin ito maiiwasan.

“This has been observed across the globe. There is a jump in the queue and we cannot avoid this oftentimes. Sometimes it happens, there is a jumping in the queue but it is very minimal,” paliwanag pa ni Vega.

Ganun pa man, hindi rin daw ito tama sapagkata nasa programa ng gobyerno na unahin muna ang health workers at medical frontliners.

“But this should be avoided because definitely this is not a priority of the vaccination process that we have,” giit pa ng opisyal.

Vaccination program ng gobyerno| Imahe mula sa PIA

Magugunitang inamin dati ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi nasunod ang priority list sa unang dalawang araw na pagbabakuna ng Sinovac vaccine.

BASAHIN: Roque inaming hindi nasunod ang ‘priority list’ sa unang linggo ng vaccine rollout

Ito ay matapos mabakunahan sa Pasay General Hospital ang ilang opisyal ng pamahalaan na hindi naman talaga kasali sa priority list kabilang na sina Interior Secretary Jonathan Malaya at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) public services head Michael Salalima, at maging si Quezon Representative Dr. Angelina Tan, chairperson ng health committee sa Kamara.

Samantala, ibinahagi naman ni Vega na nasa 71 hanggang 75 porsiyento na ng health workers sa Metro Manila ang nabakunahan habang nasa 35 porsyento naman sa probinsiya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Loading…