DOH nais palawigin ng isang linggo pa ang ECQ sa NCR Plus

Imahe mula sa PNA
  • Inirerekomenda ng DOH na palawigin pa ang ECQ sa NCR Plus ng hanggang dalawang linggo
  • Maikli lamang umano ang isang linggo para malaman kung may pagbabago sa takbo ng sitwasyon
  • Ganun pa man, hindi pa ito pinal at malalaman ng publiko bago ang ika-4 ng Abril

Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) na palawigin pa ng isang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila ta karatig-probinsiya ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

Tatagal nang isang linggo ang idineklarang ECQ sa mga nabangggit na lugar na nagsimula noong Lunes, Marso 29 hanggang Abril 4.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nais nilang pahabain ng hanggang dalawang linggo ang ECQ upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Imahe mula sa PCOO

“Extension for another week was recommended but nothing is final and IATF works in a whole of government approach. There will be an assessment of the progress before ECQ ends,” ani Vergeiresa panayam ng ANC.

Subalit hindi pa ito pinal dahil pinag-aaralan pa ng National Economic and Development Authority (DOH) ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa at sa kalusugan ng mga tao.

“The ideal would really be two weeks so that we can be able to see that effect that we would want,” pahayag ni Vergeire.

Imahe mula sa DOH-Facebook

 

Hindi umano sapat ang isang linggo para malaman kaagad nila kung may magandang epekto nga ang lockdown dahil maikling panahon lamang ito.

“Our doors are not closed [to] this extension of ECQ if we see that the hospitals cannot still manage the number of cases,” giit pa ni Vergeire.

Tiniyak rin ng opisyal na magkakaroon sila ng assessment bago dumating ang ika-4 ng Abril sa pagtatapos ng idineklarang ECQ.

Nitong Martes, Marso 30, nakapagtala ang DOH ng 9,292 na panibagong kaso ng COVID na  isa sa pinakamataas na bilang sa isang araw simula nang ideklara ang pandemya sa bansa Marso noong nakaraang taon. Pumalo na rin sa 741,181 ang kabuuang COVID cases sa Pilipinas at 124,680 dito ay nananatiling aktibo.

Loading…