DSWD hinihikayat na ibigay ang pension ng senior citizens kada 3 buwan

Imahe mula sa Facebook-DSWD
  • Kongresista, hinikayat ang DSWD na ibigay ang buwanang P500 pension ng senior citizens kada tatlong buwan sa halip na kada anim na buwan
  • Masyado umanong matagal ang anim na buwan na kailangang antayin ng mga senior citizens para matanggap ang pension
  • Sabi ni Rep. Rufus Rodriguez, mahalaga ito para masuportahan ang pangangailangan ng seniors lalo na ngayong may COVID-19

Hinikayat ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibigay ang buwanang P500 pension ng senior citizens kada tatlong buwan sa halip na kada anim na buwan.

Imahe mula sa DSWD

Sa kasalukuyan kasi ay nakatatanggap ng P3,000 ang mga senior citizens kada anim na buwan. Magiging P1,500 na ito sakaling masunod ang inihain ni Rodriguez na House Resolution No. 1047.

Pahayag ni Rodriguez, mahalaga ito para masuportahan ang mga pangangailangan ng mga seniors lalo na ngayong may COVID-19. Binanggit din niya ang reklamo ng ilang kababayan na masyadong matagal ang anim na buwan na kailangang antayin ng mga ito para matanggap ang pension.

Aniya, “[COVID-19] has affected and disrupted the lives of all Filipinos, with the end to this pandemic still nowhere in sight as the number of cases still continue to increase.

“Due to lockdowns and quarantines in many parts of the country, many businesses struggled, resulting in loss of jobs for many Filipinos, including senior citizens who are still productive members of society.

“Now more than ever, these indigent senior citizens need financial assistance from the government.”

Mayroong nasa tatlong benepisyaryo ang senior citizen assistance program. Batay sa 2020 national budget, mayroon itong budget na aabot sa P23.2-billion.

Image via PNA

Pinaalalahanan din ng mambabatas ang Social Security System (SSS) na i-release na ang P1,000 increase sa buwanang pension ng mga private sector retirees.

Noong nakaraang taon pa umano ito ipinangako ng ahensya, kaya’t nangangahulugang isang taon nang delayed ang pagpapatupad dito.

Imahe mula sa CNNPH

Loading…