Duque inaming ‘di inaasahan ang paglobo ng COVID: “So we have to make the adjustments”

Imahe mula sa PNA
  • Inamin ni Sec. Duque na hindi nila inaasahan ang paglobo ng COVID
  • Ganun raw talaga at kailangan lang nating bumawi
  • Ito ay matapos makapagtala ng DOH ng pinakamataas ng bilang ng kaso sa loob lamang ng isang araw

Aminado si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi nila inaasahan ang biglaang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa bunsod na rin na pinaluwag na restrictions upang bigyang daan ang pagbukas muli ng ekonomiya.

Ito ay matapos makapagtala ng DOH nitong Biyernes, Marso 19, ng 7,103 panibagong kaso na siyang pinakamataas sa loob ng isang araw simula nang ideklara ang pandemya sa bansa Marso noong nakaraang taon.

Imahe mula sa DOH

“Hindi naman natin alam na papalo ng ganito kataas. So we have to make the adjustments,” wika ng kalihim sa panayam ng mga mamamahayag.

Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na ipagpatuloy ang wasto at mahusay na pagsunod sa ating public health standards upang mapigilan ang pagkahawa at pagkalat ng COVID-19.

Ayon pa rin kay Duque, dahil muling tumaas ang bilang ng nahawahan, walang maaaring gawin kung hindi ang bumawi.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“Mas maraming nagkakahawaan. Ngayon na tumaas. O, para muna tayo. Ganu’n talaga, e. We have to bounce. Parang cha-cha-cha ka e. ‘Di ba, ‘di ba? One step back, two steps forward,” ani Duque.

Pumalo na sa 648,066 ang kabuuang bilang ng populasyon na nahawahan ng COVID habang 73,264 naman ang nananatiling active cases o nasa 11.3% base sa pinakahuling datos ng DOH nitong Biyernes.

Magugunitang nagbabala ang OCTA Research na posibleng pumalo sa hanggang 20,000 kaso ng COVID kada araw ang maitala sa Abril base na rin sa trend nitong mga nagdaang araw.

Imahe mula sa DOH

Kaugnay nito, suspendido na muna ang operasyon sa mga driving schools, traditional cinemas, arcades, libraries, archives, museums at cultural centers sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa loob ng dalawang linggo.

Binawasan na rin muna ang capacity ng mga dine-in restaurants, cafes at mga establisimyentong nag-aalok ng mga personal care services sa 50% na lamang; habang ang mga religious gatherings ay limitado na rin sa 30% venue capacity.

Source :

GMA News, Remate, RMN

Loading…