Duterte iginiit na nasa bangko pa ang inutang na pambili ng bakuna: “Nasaan na raw ‘yong pera?”

Screenshot mula sa RTVM Facebook video
  • Iginiit ng Pangulo na nasa bangko pa rin ang mga inutang na pera para sa bakuna
  • Binanatan din ni Duterte ang mga naghahanap ng pera at ng biniling bakuna
  • ‘Style bulok’, ito ang buwelta ng Pangulo sa kaniyang mga kritiko

Binalikan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko ng administrasyon lalo na ang mga naghahanap sa perang inutang ng Pilipinas para ipambili ng COVID vaccine.

Partikular na tinukoy ng Pangulo ang mga batikos nina Senador Panfilo Lacson at Risa Hontiveros na kapwa naghahanap ng supply na bakuna sa gitna ng paglobo ng utang ng bansa para ipambili nito.

Screenshot mula sa RTVM Facebook video

Style bulok

Sa kaniyang lingguhang public address nitong Lunes, binanatan ni Duterte ang patuloy na nambabato ng puna sa pamahalaan na may layon lamang naman umanong pabanguhin ang kanilang sarili.

“It’s a classic case of you want to appear white, you paint the other guy black para ang labas mo puting-puti ka. Si Mr. Clean, parang ganoon. Style bulok,” pahayag ng Pangulo.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Binalaan din ni Duterte ang kaniyang mga kritiko na maghinay-hinay sa pag-uusisa kung nasaan na ang pondo dahil maaaring isipin ng mga tao na napunta ito sa kurapsiyon.

“Alam mo sa Congress, there was this complaint by… Senator Lacson and Senator Hontiveros — kasi they were mentioning billions and billions, nasaan na raw? Saan na ang bakuna?” ani Duterte.

Nasaan na raw ang pera?

Giit ng Pangulo, nasa bangko pa rin ang perang inutang at ang bangko rin ang magbabayad nito sa mga vaccine manufacturers kapag dumating na ang supply at kinumpirma ito ng gobyerno.

“Ang buong akala kasi nila ‘yong pera na bilyon bilyon na ibinigay nila sa Kongreso, nandiyan na sa kamay natin, that it’s cold cash, nasaan na raw ‘yong pera?” patuloy ng presidente.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Risa Hontiveros

“If you are afraid of corruption, let your mind go easy because these things are not susceptible to anything. The money is in the hands of the banks and they collect — ’yong nagpabili sa atin ng bakuna —  from the bank, hindi sa atin,” dagdag pa nito.

Sa ngayon umano ang mga dumating na bakuna ay pawang donasyon muna, subalit ang mga paparating sa susunod na mga araw ay babayaran na ng Pilipinas.

Kapag dumating na ang pagkakataong iyon, giit ni Duterte, ay doon na dapat magtanong ang mga kritiko kung nasaan na ang pera.

Loading…