Duterte inutusan ang LGUs na bigyan ng libreng face masks ang mga mamamayan

Image by Rody Duterte via Facebook
  • Pangulong Rodrigo Duterte, inutusan ang DILG at barangay officials na bigyan ng libreng face masks ang mga mamamayan
  • Nalulungkot ang Pangulo para sa mga mamamayan na gumagamit ng lumang-luma nang face masks
  • Duterte: “Kung ‘yung tao walang pambili, how would you expect compliance?”

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) at barangay officials na bigyan ng libreng face masks ang mga mamamayan.

Imahe mula sa PCOO

Ayon sa Pangulo, nalulungkot siya na may mga mamamayan na gumagamit ng lumang-luma nang face masks yamang wala silang pambili ng bago.

Maaari lamang, aniya, na magamit ang mga masks nang ilang beses bago ang mga pawis at moisture ay magdudulot para maging walang silbi ito sa “what it’s intended for.”

Pahayag ni Duterte sa Talk to the People Briefing noong Lunes, “It’s the mask, ilang gamit lang. But ‘yung iba, lumang-luma because they don’t have money to buy. We have to provide the mask for everybody. Kung ‘yung tao walang pambili, how would you expect compliance?”

Sinabi niya na kailangang gumawa ng datos ang DILG at village chiefs para malaman kung sinu-sino ang mga mabibigyan ng face masks. “If we need to ask the people to comply, we also look into the possibility that they cannot buy it. So government, at this time, must provide.”

Ang mga pahayag na ito ng Pangulo ay pag-uulit sa utos mula sa kanyang naging talumpati noong February 24 kung saan inutusan niya ang mga LGUs na mamahagi ng libreng face masks habang ang bansa ay naghihintay sa pagdating ng mga bakuna.

Imahe mula sa Freepik

Matatandaang ang pagsusuot ng face masks ang isa sa mga COVID-19 health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan lalo pa’t limitado pa lamang ang bakuna at biglaan ang pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa bansa.

Nitong Lunes ay nakapagtala ng 5,404 new infections ang Pilipinas, ika-apat na pinakamataas sa isang araw mula nang nagsimula ang pandemya.

Imahe mula sa PNA

Loading…