Efren ‘Bata’ Reyes dinala sa barangay dahil sa paglalaro ng bilyar sa gitna ng pandemya

Screenshot mula sa video ni Matchas Doe
  • Billiard Hall of Famer na si Efren “Bata” Reyes kabilang sa mga nasita sa bilyaran sa Laguna
  • Viral sa social media ang ginawang ‘pagbisita’ sa bilyaran kung saan nakitang naglalaro si Efren “Bata” Reyes
  • Sinabi ng tagapagsalita ng Laguna PNP na dinala lang si Reyes at iba pa sa barangay hall para kausapin tungkol sa paglabag sa health protocols

Ang multi-awarded pool player na si Efren “Bata” Reyes na kilala sa taguring “Magician” ay kasama sa mga dinala ng mga awtoridad sa isinagawang paninita kontra sa paglalaro ng bilyar na  diumano ay walang permiso.

Screenshot mula sa video ni Matchas Doe

Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang mga awtoridad  at ilang barangay officials na sumugod sa isang bilyaran sa San Vicente, San Pedro, Laguna at kinumpiska ang mga gamit sa bilyar tulad ng mga tako at iba.

Maririnig din ang boses ng isang opisyal nang sabihan nito ang mga nanonood na walang tatakbo at dadalhin sila sa barangay hall.

“Ano’ng gusto n’yong mangyari? Hindi kayo nakikinig sa barangay,” ayon sa tinig na maririnig sa video.

“Walang aalis, lahat ng nandito sa barangay, tayo. Walang tatakbo. Wala nang aalis,” sabi pa ng tinig.

Ayon sa spokesman ng Laguna PNP, hindi naman hinuli si Bata Reyes kundi dinala lang sa barangay hall at kinausap ng mga opisyal.

“’Di naman po inaresto. Dinala sa barangay pero kinausap lang kasi ang daming nanonood eh nawawala na ang social distancing,” paliwanag ni Lt. Col. Chitadel Gaoiran.

Ani Gaoiran, ang paninita sa bilyaran ay ginawa noong gabi ng Huwebes, March 11.

Ang Billiard Hall of Famer na si Reyes ay 66 years old na at kabilang sa mga sektor ng lipunan na pinagbabawalan pa ring lumabas ng bahay dahil sa umiiral na pandemya.

Screenshot mula sa video ni Matchas Doe
Source :

Tribune, GMA

Loading…