Ekonomiya ng ‘Pinas nagsisimula nang makabangon – DTI

Imahe mula sa New Straits Times
  • Unti-unti na umanong nakababangon ang ekonomiya ng bansa, ayon sa DTI
  • Patunay raw nito ay ang pagtaas ng GDP at pagbaba ng unemployment rate
  • Iginiit rin ng DTI na hindi puwedeng isisi ang paglobo ng COVID sa pagbubukas ng ekonomiya

Nagsisimula nang makabangon ang ekonomiya ng bansa base sa pagtataya ng Department of Trade and Industry (DTI). Ito ay sa kabila ng mga ulat na maraming nawalan ng hanapbuhay dahil sa kinakaharap na krisis sa COVID-19 pandemic.

Sa iprinesentang datos ni DTI Secretary Ramon Lopez sa pinakahuling public address ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinakita ng kalihim ang unti-unting pag-angat ng gross domestic product (GDP) sa mga nakalipas na buwan.

Sec. Ramon Lopez| Imahe mula sa DTI

Ito ay indikasyon umano na nakarerekober na ang ekonomiya ng bansa mula sa pagkakalugmok dahil sa pandemya.

“Kung titingnan natin the economy is performing very fast bago ang pandemic pero nakita natin the economy is starting to recover,” ani Lopez.

Ang GDP, ayon kay Lopez, ay tumaas umano mula sa dating -16.5% hanggang -11.5%, at nitong huling quarter ng nakaraang taon ay naging -8.3% na.

Bukod dito, marami na rin daw ang nakakahanap ng trabaho, dahilan para bumaba na rin ang unemployment rate sa bansa.

“Another sign na nagre-recover tayo, ‘yung unemployment rate ay paunti-unti nang bumaba. Ibig sabihin marami na ang nakabalik sa trabaho at from 17.7 percent ay naging 8.7 percent na lang,” wika pa Lopez.

Imahe mula sa PNA

Partikular na tinukoy ni Lopez ang patuloy na paglago ng manufacturing sector na ayon sa talaan ng DTI ay lumaki mula sa 31.6 % lamang sa kasagsagan ng pandemya noong nakaraang taon at naging 52.5% na sa kasalukuyan.

Kaugnay nito, muling iginiit ni Lopez na ang paglobo ng kaso ng COVID nitong mga nagdaang linggo ay hindi maaaring isisi sa pagbubukas ng ekonnomiya.

“We are limiting the potential risks… to allow other parts of the economy to open and safely continue… But to clarify, the surge is not attributed to this,” saad ng kalihim.

Loading…