Elliot Page, ang unang transgender man na itinampok sa cover ng Time magazine

Imahe mula sa Instagram page ni Elliot Page
  • Si Elliot Page ang unang transgender man na itinampok sa cover ng Time magazine
  • Si Elliot Page ay kilala noon bilang Ellen Page na naging popular sa pelikulang “Juno” noong 2007
  • Lumantad siya bilang trans man noong Disyembre ng nakaraang taon

Si Elliot Page ang unang transgender man na itinampok sa cover ng Time Magazine na may headline na “I’m Fully who I am.” Ang kopya ng magazine ay mabibili simula sa Biyernes, March 19.

Imahe mula sa Instagram page ni Elliot Page

Ang Canadian actor, na kilala noon bilang Ellen Page na naging popular sa pelikulang “Juno” noong 2007, ay lumantad bilang isang transgender man noong Disyembre  ng nakaraang taon. Ang panayam sa kaniya ng Time ang unang major interview niya mula nang lumantad.

Ibinahagi niya sa panayam ang mga sari-saring reaksyon na natanggap nang ilantad niya ang tunay  na sarili. Inaasahan na raw niya ang mga iyon.

“What I was anticipating was a lot of support and love and a massive amount of hatred and transphobia. That’s essentially what happened,” aniya.

Ikinuwento rin niya na noon pa mang bata pa lang siya ay ramdam na niya na isa siyang lalaki. Kaya naman ganoon na lang daw ang tuwa niya nang payagan siyang magpagupit ng buhok nang maikli noong 9 years old siya.

Sa edad na sampu ay naging artista na siya. Sabi niya, nahihirapan siyang panoorin ang sarili sa pelikula na gumaganap na isang babae.

Imahe mula sa Instagram page ni Elliot Page

“I just never recognized myself. For a long time I could not even look at a photo of myself. Now, I’m fully who I am,” aniya.

Ipinahayag niya ang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanya.

“With deep respect for those who came before me, gratitude for those who have supported me and great concern for the generation of trans youth we must all protect, please join me and decry anti-trans legislation, hate and discrimination in all its forms,” aniya.

Isa si Elliot Page sa mga nagpapahayag ng pagtutol sa panukalang batas sa Alabama na layuning gawing labag sa batas ang pagbibigay ng medical care sa mga transgender youth.

Imahe mula sa Instagram page ni Elliot Page
Source :

Instagram, GMA

Loading…