Ely Buendia ibinahagi ang tunay na kuwento sa likod ng kantang ‘Spolarium’

Imahe mula sa Yahoo Finance
  • Ibinahagi ni Ely Buendia ang umano’y totoong kuwento sa likod ng kantang ‘Spolarium’
  • Hindi umano ito tungkol sa kaso noon ng isang aktress sangkot ang dalawang komedyante
  • Gayunpaman, naniniwala ang bokalista na magpapatuloy pa rin ang ‘myth’ na pinaniwalaan ng marami

Kung ikaw ay isang Eraserheads fan, marahil ay kabisado mo ang kantang ‘Spolarium’ at ilang beses mo na rin itong sinubukan sa videoke.

At marahil ay narinig mo na rin, kung hindi man pinaniwalaan, ang haka-haka tungkol sa tunay na kahulugan ng sikat na awiting ito ng isa sa pinakapopular na banda noong 1990s.

Subalit sa panayam kay Ely Buendia, ang dating frontman ng E-heads, sa podcast ng “Wake Up with Jim and Saab,” pinasinungalingan ng bokalista ang kumalat na kuwentong narinig na ng karamihan.

Eraserheads 1990s| Imahe mula sa Eraserheads Wiki – Fandom

Ani Ely, mali ito sapagkat ang ‘Spolarium’ ay tungkol sa isang normal lamang na inuman nila noon.

“Alam n’yo ‘yung drink na Goldshläger? So we were drinking that, and that gintong alak, that’s what it meant. It’s all about getting pissed drunk,” bahagi ni Ely.

Iniuugnay kasi sa kaso ng namayapang aktres na si Pepsi Paloma ang nasabing kanta. Nabanggit rin kasi rito ang pangalang ‘Enteng’ at ‘Joey’ na akala raw ng marami ay tumutukoy sa dalawang sikat na komedyanteng sangkot noon sa nasabing kaso.

Pero ang totoo daw na “Enteng’ at ‘Joey’ na nabanggit sa ‘Spolarium’ ay mga road managers talaga nila noon.

“They were roadies. Kaya first time ko nabasa ‘yun, that urban legend, sabi ko, ‘Wow, okay ‘to ah.’ There really is, sometimes, ‘yung mga coincidence like that, you have no power over that. It just happens,” bahagi pa ni Ely.

Screenshot mula sa You Tube

Hindi na rin daw nila napigilan nang mangibabaw na ang ‘myth’ sa ‘facts’ matapos bigyang kahulugan ng iba ang kanilang kanta na kasama noon sa 1997 album na ‘Sticker Happy’.

“Well, Spoliarium is one of those cases really, the myth sort of taken over the facts and I kinda like it. I kinda like the myth because as for the meaning of the song it’s just, also again it’s just really mundane,” kuwento pa ng singer-songwriter.

Inamin rin ni Ely na marami ang madi-disappoint ngayong naikuwento na niya ang katotohanan sa likod ng ‘Spolarium’ at naniniwala rin siyang patuloy pa ring mangingibabaw ang ‘myth’ sa katotohanang ito.

Offical Music Video ng Spolarium:

Loading…