Erik Morales kumbinsidong lamang ang ‘experience’ ni Pacquiao vs. Mikey Garcia

Imahe mula sa Spin.ph
  • Naniniwala si Erik Morales na mananalo si Pacquiao kontra Garcia
  • Mangingibabaw umano ang karanasan ng isang beteranong tulad ni Pacman
  • Sina Morales at Pacquiao ay tatlong beses nang nagkaharap dati, dalawa rito ay nanalo ang Pinoy legend

Kung si Mexican boxing champion Erik Morales ang tatanungin, lamang pa rin si Manny ‘Pacman’ Paquiao sa magiging laban ng huli kontra sa Amerikanong si Mikey Garcia kung sakali mang matutuloy ito.

Pinag-uusapan ngayon ang posibleng pagbabalik sa ring ng Pambansang Kamao laban kay Mikey Garcia matapos maudlot ang sana’y paghaharap nila ng isang Garcia, si Ryan Garcia, na itinuturing ngayong isa sa mga rising stars sa larangan ng boksing.

Mikey Garcia| Imahe mula sa Bad Left Hook

Napabalita kamakailan na pinaplantsa na ang detalye ng labang Manny Pacquiao-Mikey Garcia at posibleng maisapubliko na ito sa mga darating na araw.

At sa labang ito, naniniwala si Morales na mananalo ang Pinoy champion na dati na ring tumalo sa kaniya noon.

“Mikey Garcia is a great fighter. Manny Pacquiao is very, very strong though. Pacquiao shows that there are levels to this game,” ani Morales sa panayam ng BoxingScene.com.

Imahe mula sa Bleacher Report

“I think that experience will win out and Pacquiao wins,” dagdag pa ng 4-division world champion na Mehikano.

Tatlong bese nagtunggali sa ring sina Morales at Pacquiao. Una silang naglaban noong Marso 2005 kung saan tinalo ng Mehikano ang Pinoy boxing legend sa isang unanimous decision.

Nasundan ang kanilang paghaharap noong Enero 2006, at Nobyembre 2006 kung saan bumawi si Pacman at parehong pinadapa sa lona at tinalo si Morales sa dalawang labang ito.

Imahe mula sa Boxrec.com

Sa kasalukuyan, pinaghahandaan ni Morales ang laban ng kaniyang alagang si Angel Fierro ng Tijuana. Siya ng trainer ni Fierro na nakatakdang makaharap si Alberto Machado ng Puerto Rico.

Samantala, maliban kay Garcia (40-1, 30 KOs) , isa pa sa posibleng makaengkuwentro ni Pacquiao (62-7-2, 39 KOs) ay ang wala pang talo na si WBO belt holder Terence Crawford (37-0, 28 KOs).

Loading…