Estudyante puwedeng umutang ng P50-k pambili ng gadgets sa LandBank

Image by Land Bank of the Philippines via Facebook
  • Estudyanteng nasa legal na edad, maaari nang makautang ng abot P50,000 sa LandBank
  • Magagamit ito ng mga estudyante para makabili ng gadgets para sa distance learning
  • Mayroon itong fixed interest rate na 5% per annum para sa short term loans

Maaari nang makautang ng aabot sa P50,000 sa Land Bank of the Philippines (LandBank) ang mga estudyanteng nasa legal na edad. Ito’y magagamit ng mga estudyante para maipambili ng learning gadgets kagaya ng laptop, desktop o tablet.

Imahe mula sa LandBank

Bahagi pa rin ito ng hakbang ng pamahalaan para palawakin ang I-STUDY credit facility nang makatulong sa implementasyon ng distance learning.

Sa ilalim ng pinaigting na Interim Students’ Loan for Tuitions towards Upliftment of Education for the Development of the Youth o I-STUDY ay direkta nang makauutang ang mga mag-aaral kung pasok sila sa eligibility requirements.

Ang uutangin ay makakasama sa maximum loanable amount na P150,000 kada estudyante o P300,000 kada parent-borrower para sa tuition o enrolment-related fees.

Pinalawig din ang edad ng mga makakautang mula sa dati na estudyanteng may edad na hanggang 30 taong gulang lamang. Ngayon ay pupuwede na hanggang 50 taong gulang.

Pahayag ni LandBank President and CEO Cecilia C. Borromeo, “LandBank recognizes the need to support students in adapting to distance learning modalities.

“While we await the resumption of in-person classes, we hope that the I-STUDY Program can help students cover the financial requirements to purchase needed learning equipment and participate in online classes.”

Imahe mula sa LandBank

Ang I-STUDY lending program ay mayroong fixed interest rate na 5% per annum para sa short-term loans para sa pre-school, primary at secondary students na babayaran sa loob ng isang taon. Mayroon ding loan na pupuwedeng babayaran sa loob ng tatlong taon para sa mga tertiary students, inclusive of one year grace period on the principal.

Para sa karagdagang detalye, maaaring bumisita sa pinakamalapit na LandBank office sa inyong lugar.

Imahe mula sa LandBank

Loading…