Fanny Serrano naka-life support na, ayon kay Sharon: “Hindi ko na kaya”

Screenshot mula sa Instagram ni Sharon Cuneta
  • Naka-life support na ang sikat na stylist na si Fanny Serrano
  • Ito ang ibinahagi ni Sharon Cuneta sa Instagram nitong Miyerkules
  • Nahihirapan na umano si Sharon sa kalagayan ng kaniyang kaibigan

Muling ibinahagi ni Sharon Cuneta ang kaniyang labis na kalungkutan at pag-aalala sa lumalalang kalagayan ng kaniyang malapit na kaibigan at sikat na stylist na si Fanny Serrano.

Unang inanunsiyo ni Megastar sa social media noong Marso 16 na isinugod sa pagamutan ang kaniyang ‘Tita Fanny’ matapos ang ‘massive stroke’.

Imahe mula sa Facebook

Nitong Miyerkules ay nagbigay ng update si Sharon tungkol sa sitwasyon ni Fanny Serrano na ayon sa kaniya ay nahihirapan nang huminga nang walang life support.

“HINDI KO NA KAYA. Tita Fanny is now on life support…meaning, without all the machines connected to him, he would no longer be able to breathe on his own,” anang Megastar sa kaniyang Instagram post.

Hindi na umano niya alam kung ano ang gagawin para sa kaniyang kaibigan lalo pa’t nangako siyang hindi niya ito iiwan.

Screenshot mula sa Instagram ni Sharon Cuneta

“I do not know what to do with myself…TF, I promised you years ago that I would take care of you until the end… I think I have kept that promise. But THIS IS NOT the end I want for you,” ayon kay Sharon.

Bagama’t alam niya umanong maaaring ito ang plano ng Diyos, nahihirapan pa rin si Sharon lalo pa’t ni hindi man lamang niya makita o madalaw ang kaibigan.

“There are just no words for how painful this is for me and the others who love you…Bakit naman ni hindi tayo puede magkita ngayon pa? Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal?” dagdag pa ng premyadong actress-singer.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Wika pa ng Megastar, itinuring na niyang nanay si Fanny Serrano at mahal na mahal niya ito. Ang masakit pa ay halos kapapanaw lang din ng isa pa niyang kaibigan at sikat ring fashion designer na si Rocky Gathercole.

“Bakit naman right after Rocky’s passing ikaw naman ang nasa peligro agad ngayon..? Bakit ba ‘yung mga pinakamahal ko o tumatak sa puso ko, kayo ang umiiwan sa akin in these past couple of years lang?” paghihimutok ni Tita Shawie.

“PAGOD NA PAGOD NA AKONG NAWAWALAN NG MAHAL SA BUHAY. Huwag muna po sana, Lord,” pagtatapos ng beteranang aktres.

Loading…