Fashion Design graduates ng isang pamantasan ibinida ang kanilang fashionable toga

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang apat na magkakaibigang graduates ng kursong Fashion Design and Merchandising
  • Nagtungo kasi sila sa kanilang pamantasan upang magbigay-pugay rito habang suot ang kanilang DIY fashionable togas at grad caps
  • Nagustuhan naman ito ng mga netizens, lalo na ng mga napagkaitan ng pagkakataong makapagmartsa sa graduation ceremony dulot ng pandemya

Ibinida ng mga Fashion Design and Merchandising graduates mula sa De La Salle-College of Saint Benilde ang kanilang DIY o Do-It-Yourself fashionable toga at graduation cap na gawa sa scrap fabrics, dahil sa hindi naranasang graduation ceremony, at bilang pagpupugay sa kanilang pamantasan.

“Since Grad was yesterday and we can’t have a proper graduation ceremony, might as well put our sewing skills to use,” saad ni Beatrice Cañete sa kaniyang Facebook post. Kasama ni Beatrice sa mga larawan ang mga kaibigang sina Tricie Mendoza, Katrina Rivera, at Tricia Butler.

Imahe mula sa Facebook account ni Beatrice Cañete

Naisip nina Tricie at Beatrice ang ganoong konsepto matapos nilang mapag-alamang ang seremonya ng kanilang pagtatapos ay magiging virtual, dahil nga sa kasalukuyang pandemya. Dahil may mga labis na fabric materials pa sila, naisipan nilang gawing fashionable togas at graduation caps ang mga ito.

Nagtungo sila sa kanilang pamantasan upang magkaroon ng graduation pictorial, dahil ‘nanakaw’ sa kanila ang pagkakataon upang makapagmartsa at matanggap ang diploma.

Ayon sa kanila, isang linggo ang iginugol nila upang matapos ang kanilang personal project. Samantala, ang kanilang virtual graduation ceremony ay noon pang Marso 20, 2021.

“The day after our graduation, we all decided as a last hoorah to visit our school wearing our colorful designer togas and caps that Bea and I designed and constructed. Team effort pa rin po,” kuwento naman ni Tricie. Hindi nila inasahang papatok sa social media ang kanilang post.

Imahe mula sa Facebook account ni Beatrice Cañete

Congratulations sa inyong apat at sa inyong batchmates!

Samantala, panoorin ang video ng kanilang paggawa ng fashionable togas at graduation cap via YouTube channel:

Loading…