FDA, DOH pagpapaliwanagin sa pagtutol sa Ivermectin na nakapagpapagaling daw sa COVID-19 patients

Imahe mula sa Shopee
  • FDA at DOH pagpapaliwanagin sa Kamara sa pagtutol ng mga ito sa Ivermectin bilang panlunas sa mga sintomas ng COVID-19
  • Sinabi ni Rep. Mike Defensor na maghahain siya ng resolusyon upang marinig ang panig ng dalawang ahensya
  • Inamin ni Rep. Defensor na dalawang beses siyang uminom ng Ivermectin noong nagpositibo siya sa COVID-19

Planong maghain ni Anakalusugan partylist Representative Mike Defensor ng isang resolusyon upang alamin ang mga dahilan ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) sa pagtutol ng mga ito sa paggamit ng Ivermectin para sa COVID-19 gayong nakapagpapagaling umano ito sa mga pasyenteng dinapuan ng coronavirus.

Imahe mula kay Rep. Mike Defensor

“We need to hear the experts most especially the DOH and the FDA as the regulatory agencies on this matter and ask why the inflexibility against Ivermectin.  I kept my peace knowing that the subject matter is best left to the experts as any policy pro or against may have dire effects on our people,” ayon kay Rep. Defensor na dating vice chairman ng House Committee on Health.

Gayunman, sinabi ng mambabatas na siya mismo ay dalawang beses uminom ng Ivermectin sa loob ng dalawang linggo noong magpositibo siya sa COVID-19. Ininom umano niya ito kasabay ng iba pang multi-vitamins.

Sabi niya, sa ngayon ay wala pang napatutunayang panlunas sa COVID-19  subalit nakatulong umano ang mga gamot at bitaminang ininom niya upang makarekober at malampasan niya ang karamdaman.

Ang tanong ni Rep. Defensor ay bakit ganoon na lang ang pagtutol ng FDA at DOH sa Ivermectin gayong wala pa naman ni isang proven cure para sa COVID-19.

“Why is the FDA and the DOH gungho about putting Ivermectin out of the market when there is no proven cure? Will they also ban ibuprofen and paracetamol when people with COVID also take them during sickness? The vaccines do not necessarily prevent COVID and we still don’t have a cure. Why the aggression and tenacity against Ivermectin?” tanong niya.

Imahe mula sa Tribune

“I took Ivermectin. To be honest, I do not know if it helped along with the other meds and vitamins I took. But I am negative for the COVID virus now and that is all that matters,” giit niya.

Nauna nang naghain ng resolusyon si 1 PACMAN Partylist Rep. Enrico Pineda para pagpaliwanagin ang FDA at DOH sa pagtanggi ng mga ito sa paggamit sa Ivermectin kontra sa COVID-19.

Ang panawagan niya ay magpatupad ng regulasyon ang Kongreso para tiyakin na ikonsidera ng FDA at DOH ang lahat ng posibleng panlunas sa COVID-19.

Aniya, batay sa mga clinical trials na ginawa sa ibang bansa, napatunayan na ang Ivermectin, kapag ininom kasabay ng mga vitamins at supplements, ay nakababawas sa epekto ng COVID-19 sa mga pasyenteng mayroon nito.

Imahe mula sa House of Representatives

“There are actual studies and publications endorsing the effectivity of Ivermectin as treatment for those infected by the COVID-19 virus. Perhaps we should do more exhaustive studies before dismissing what could potentially be a life-saving drug,” sabi niya.

Sabi pa niya, dahil sa malaking potensyal na ipinakita ng Ivermectin ay ginagamit na ito sa India, South Africa at Latin American countries bilang bahagi ng COVID-19 treatment and prevention.

Loading…