Food delivery apps na hindi nagbibigay ng 20% discount sa senior citizens pinaiimbestigahan

Umahe mula sa eCompareMo
  • Pinaiimbestigahan sa Kongreso ang mga food delivery applications na hindi nagbibigay ng 20% discounts sa mga senior citizens
  • Sinabi ni Rep. Bernadette Herrera-Dy na maraming senior citizens na ang nagrereklamo na hindi sila nabibigyan ng bente porsyentong diskwento sa mga ipinade-deliver na pagkain
  • Labag sa Republic Act (RA) 9944 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 ang hindi pagbibigay ng 20% discount sa mga matatanda

Naghain ng isang resolution si Deputy House Speaker Bernadette Herrera-Dy para paimbestigahan sa Kongreso ang mga food delivery service providers na hindi nagbibigay ng 20% discount sa mga senior citizens.

Imahe mula sa Pilipino Mirror

Labag umano ito sa Republic Act (RA) 9944 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Sa paghahain ng Resolution No. 1626, sinabi ni Rep. Herrera-Dy na dumarami ang mga senior citizens na nagrereklamong hindi sila nabibigyan ng nararapat sa kanilang 20% discount.

“There is an increasing number of complaints from the senior citizens who could not avail of the 20% discount mandated by law for food deliveries using applications like Food Panda and Grab, among others,” anang mambabatas.

Isinasaad sa batas na ang mga senior citizens o ang mga may edad 60 pataas ay entitled sa 20% discount at exempted sa value added tax para sa mga applicable goods and services mula sa lahat ng establisimyento.

Ayon kay Rep. Herrera-Dy, ang mga food deliveries ay sakop ng Section 3 ng RA 1626  na nagsasabing “For delivery orders, the 20 percent discount shall likewise apply subject to certain conditions, i.e. senior citizen ID card number must be given while making the order over the telephone.”

Imahe mula sa Grab Food

Aniya, ang perang matitipid mula sa diskwento ay makatutulong sa mga senior citizens, na itinuturing na “vulnerable sector” ngayong may pandemya.

“In this time of pandemic and quarantine where the liberty of our senior citizens are limited as they are considered of high risk of incurring the coronavirus disease, the money equivalent to the 20 percent discount of the senior citizens may be utilized for the medicine and other maintenance expenses as well as other necessities,” saad ng mamababatas sa inihaing resolusyon.

Imahe mula sa PIA

Hinikayat niya ang mga food delivery service providers na isama ang tamang discounts sa profile ng mga account holders upang makapag-avail ng diskwento ang mga matatanda.

 

Loading…