GCash account ni Ronnie Liang nilimas ng scammer: ‘Nagtira pa ng P8.97’

Imahe mula sa Facebook/ Ronnie Liang
  • Nabiktima ng scammer ang OPM singer na si Ronnie Liang
  • Nilimas umano ng scammer ang kaniyang GCash account at nagtira lamang ng walong piso
  • Nais lamang daw niyang bigyang babala ang ibang tao kaya niya ibinahagi ang nangyari sa kaniya

Ibinahagi ng singer at AFP Reservist na si Ronnie Liang na nabiktima siya ng isang scammer na nilimas ang laman ng kaniyang GCash account nitong Miyerkules lamang, Marso 24.

Sa kaniyang Facebook post, ipinakita ni Liang ang naging pag-uusap nila ng isang nagpakilalang ‘GCash agent’ sa DM para ibalita ang tungkol sa diumano’y ‘maintenance ‘ ng bank transfer na nagyari noong Marso 20.

Imahe mula sa Facebook/ Ronnie Liang

Ang nasabing ‘GCash agent’ ay nag-alok na i-transfer ang laman ng kaniyang account papunta sa bangko. Kasunod nito ay hiningi na ng scammer ang mga detalye kabilang na ang code na ipadadala umano.

Huli na nang malaman niyang scammer pala ang kaniyang nakausap at nalimas na nito ang kaniyang pera sa GCash maliban sa itinirang mahigit walong piso.

Imahe mula sa Facebook/ Ronnie Liang

“The scammer was able to hack my gcash & took away thousands from my Gcash account. (nagtira pa ng 8.97 pesos)” anang OPM singer-actor.

Hindi na nabanggit pa ni Ronnie kung magkano lahat ang nanakaw sa kaniya ng scammer. Ibinahagi niya rin umano ang nangyari sa kaniya upang bigyang babala ang ibang tao.

Imahe mula sa Facebook/ Ronnie Liang

“Sharing this to raise awareness of how these online scams are so rampant and how vulnerable the system is. Please share this post to spread information and to serve as warning to all the gcash users,” wika pa ni Ronnie.

Ayon sa Bandera, hindi ito ang unang pagkakataon na nabiktima ng mga scammer si Ronnie Liang.

Noong Marso 23 ay nagamit rin daw ang kaniyang credit card ng sindikato na nagnanakaw ng detalye.

Imahe mula sa Facebook/ Ronnie Liang

“BEWARE: I’ve just received a text message from my bank na may gumamit daw ng credit card ko sa South Korea to purchase from an iphone store doon,” bahagi ng mang-aawit.

“This is scary & nakakabahala since I am here in the PH. #modus #scam,” dagdag pa ni Ronnie.

Loading…