Gloc-9 may hiling sa mga nakabili noon ng kanyang 2006 Indie CD na “Limang kanta lang”

Imahe mula kay Gloc-9
  • May hiling si Gloc-9 sa mga nakabili noon ng kanyang Indie CD na “Limang Kanta Lang”
  • Sana raw ay ingatan ng mga nakabili ang kopya nila ng CD dahil ibang klaseng hirap, lungkot, pawis, dugo at tiyaga ang ipinuhunan niya doon
  • Ang “Limang Kanta Lang” ay muling ini-release ni Gloc-9 sa kanyang YouTube channel

Sa isang Instagram post ay nagbalik -tanaw ni Aristotle Pollisco, na mas kilala bilang ang mahusay na pinoy rapper na si Gloc-9, sa mga unang taon ng kanyang career bilang solo artist. Dati siyang miyembro ng isang hip hop group.

Imahe mula kay Gloc-9

Kuwento niya, una siyang naglabas ng album sa ilalim ng Star Music noong 2003, ang self-titled na “Gloc-9.” Ang ikalawa niyang album na “Ako Si…” ay na-release naman noong taong 2005.

Noong taong 2006, inakala raw niya na hindi na siya makakapaglabas ulit ng album kaya gumawa siya ng isang indie album na limang kanta lang ang laman. Pinamagatan niya ang album ng “Limang Kanta lang.”

“2006 noong panahon na akala ko ay hindi na ako makakapaglabas ng album ulit after ng 2 albums ko sa star noong 2003 at 2005 kaya nag-record ako ng isang indie 5-track cd na tinawag kong #limangkantalang,” aniya.

Sa UP raw siya nagpa-print ng CD cover na siya na rin daw ang naggupit. Limang daang CDs lang daw ang ginawa niya na ibinenta niya ng P150 isa sa mga hip hop events.

“Sa UP ako nagpa-print ng cover tapos ako na ang naggupit. ‘Pag may hip hop event naglalako ako ng mga cd P150 ang isa. May mga dedma, meron ding bumibili dahil gusto. Meron naman dahil naaawa sa ‘kin bakit ako daw mismo ang naglalako. Sabi ko wala naman masama panggatas din ng mga anak ko, ” kuwento niya.

Imahe mula kay Gloc-9

“Ingatan Mo.”

Ito ang kanyang hiling sa mga nakabili ng indie CD niya dahil ibang klaseng  hirap, lungkot, pawis, dugo at tiyaga ang ipinuhunan niya doon.

Ang “Limang Kanta Lang” ay muling ini-release ni Gloc-9 sa kanyang YouTube channel.

Loading…