‘Good for 3 persons’ na inidoro kinaaliwan

  • Naaliw ang mga netizens sa isang larawan
  • Makikita kasi ang isang mahabang inidoro
  • Pabirong banat ng netizen na nagbahagi nito, “good for 3 persons” daw ito

Isa sa mga batayang pangangailangan ng mga tao at maging ng mga hayop ay ang pagbabawas. Ito ay likas na gawain ng tao, na mas kilala sa taguring “tawag ni Inang Kalikasan.” Mahalaga ito upang maalis ang mga dumi sa loob ng katawan at mapanatiling malinis at malusog ang bituka.

Kaya naman, isa sa mahahalagang bahagi ng bahay ang palikuran. Dito, pantay-pantay ang lahat; ‘nakauupo sa trono’ ang lahat. Ito ay walang iba kundi ang inidoro. Ngunit paano kung ang inidoro ay mahaba at “good for 3 persons?”

Iyan ang makikita sa Facebook post ng netizen na si Victor Liwanag.

Imahe mula sa Facebook account ni Victor Aquino Liwanag

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Grabe naman, parang ataul naman iyan hahaha. RIP sa mga dumi, parang iyan ang gustong sabihin. Puwede bang magsabay-sabay na dumumi ang tatlong tao sa iisang inidoro?” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Iyan yung kapag nadudumi ka na, tapos ayaw lumabas na pakiramdam mo kukunin ka na ni San Pedro, hahaha, kaya ganyan ang hitsura niyan.”

“Parang sa mga uupo diyan sasabihin, ‘we can all do this together’ hahahaha,” wika naman ng isa.

Noong panahon ng mga katutubo na hindi pa domestikado ang mga tao, ang nagsisilbing ‘bukas’ na palikuran noon ay ang mga damuhan o talahiban.

Nang dumating ang mga mananakop na Espanyol sa bansa, ipinakikila ang makabagong mga estruktura at tahanan na may kubeta o kasilyas. Sa modernong panahon, isa sa mga pinagaganda at dumaraan sa renovation ang mga palikuran. Nilalagyan pa ito ng tiles upang mas maganda at kaaya-ayang tingnan.

May isang kasabihan, upang malaman mo ang antas ng sibilisasyon ng isang lunsod, pumunta ka sa mga pampublikong palikuran nito.

Imahe mula sa Facebook account ni Victor Aquino Liwanag

Ano man ang hugis o laki ng inidoro, ang pagpapahalaga sa kalinisan ng mga palikuran ay nagpapakita ng pag-unlad sa kamalayan at disiplina ng lipunan.

Loading…