Government officials na wala sa priority list na nagpabakuna kontra COVID-19 posibleng kasuhan

Imahe mula sa Official Gazette
  • Government officials na nagpabakuna pero wala naman sa priority list, posibleng kasuhan
  • Sinabi ni DOH Usec. Vergeire na na posibleng manganib ang kasunduang pinirmahan sa AstraZeneca kung hindi susundin ang kundisyong nakasaad na ibibigay ang vaccines vulnerable at healthcare workers
  • Si DILG Usec. Jonathan Malaya at MMDA public services head Michael Salalima ay nagpabakuna kahit hindi sila mga healthcare workers

Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na patawan ng parusa ang mga government officials na nagpabakuna kontra sa COVID-19 kahit hindi kabilang sa priority list.

Imahe mula sa PCOO

“Pinag-uusapan po ‘yan ngayon. So unang-una, maaaring may administrative case if you are a public officia. So pinag-uusapan pa rin po what would be the possible sanctions or the possible violations that can be identified based on our existing policies,” sabi ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

Nagkaroon ng paglabag sa priority list ng gobyerno para sa COVID-19 vaccine nang magpabakuna sina Department of Interiror and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya at Metropolitan Manila Development Authory public services head Michael Salalima kahit hindi naman sila mga healthcare workers.

Ipinagtanggol naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang dalawang opisyal. Inudyukan umano si Malaya at Salalima na magpabakuna sa Pasay General Hospital upang tumaas ang kumpiyansa ng tao sa COVID-19 vaccine.

Imahe mula sa DW

“The two, in good faith, thought that they were doing the nation a service by having themselves vaccinated kasi nga, mataas pa iyong tinatawag nating distrust sa bakuna,” sabi ni Secretary Roque.

Ngunit sinabi ni Usec. Vergeire na posibleng manganib ang kasunduang pinirmahan sa AstraZeneca kung hindi susundin ang kundisyong nakasaad na ibibigay ang AstraZeneca vaccines sa mga vulnerable at healthcare workers.

“Nakalagay po d’yan sa kundisyong ‘yan na kailangan sundin natin ang prioritization framework na binigay nila and these are vulnerable and healthcare workers,” paliwanag ni Usec. Vergeire.

Imahe mula sa PNA

“Kung magkakaroon tayo ng violation this might jeopardize the succeeding supplies na ibibigay ng COVAX facility, So nakikiusap kami sa lahat: we will all have our turn. Pabayaan po muna natin ang ating hospital health workers na makatanggap ng bakunang ito,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Usec. Vergeire na sa tinatayang 1.8 million health workers sa bansa, 13,000 pa lang ang nabibigyan ng COVID-19 vaccine as of March 5.

Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…