Graduating sa SHS? Apply na sa scholarship ng Security Bank, P5k-P10k monthly allowance

Imahe mula sa Security Bank
  • May alok na scholarship ang Security Bank Foundation para sa underprivilege but deserving students
  • Bukas ang scholarship sa mga graduating students ng Senior High School mula sa public o private schools
  • May monthly allowance na matatanggap ang bawat scholar sa bawat academic year hanggang matapos ang college course

May alok na scholarship ang Security Bank Foundation para sa mga underprivilege but deserving students na magko-kolehiyo.

Imahe mula sa Security Bank

Ang programa ay tinatawag na Scholars for Better Communities College Scholarship Program kung saan ang bawat scholar ay makatatanggap ng mga benepisyo sa bawat academic year hanggang matapos ang kanyang tertiary course.

Ang mga scholars ay dapat mag-aral sa partner schools ng Security Bank Foundation. Ang foundation ang magpopondo ng scholarship, samantalang ang mga partner schools naman ang tutulong sa screening at selection ng mga aplikante at ang magmo-monitor ng performance ng mga scholars.

 Scholarship Package

Kapag ang scholar ay sa State Universities nag-aral, makatatangagp siya ng P10,000 monthly allowance sa loob ng sampung buwan. Walang allotment para sa tuition at miscellaneous fees dahil sa “Free Tuition Law.”

Kapag sa private universities naman nag-enrol ay tatanggap  ang scholar ng P5,000 monthly allowance sa loob ng sampung buwan at maximum P100,000 per year para sa tuition at miscellaneous fees.

Imahe mula sa Security Bank

Bukod sa financial assistance may non-monetary scholarship benefits din na ibibigay sa mga scholars tulad ng “developmental activities through opportunities for internship, involvement in corporate social responsibility activities, at attendance to learning sessions provided by partner institutions.”

Eligible Courses

Ang scholarship slots ay inaalok lang sa mga estudyanteng kukuha ng mga kursong direktang sumusuporta sa bank operations tulad ng Accountancy, Accounting Information System/ Technology, Internal Auditing, Marketing, Financial Management, Industrial Engineering, Management Engineering, Applied Mathematics, Business Analytics/ Statistics, Data Science, Computer Science/ Technology, Information Systems/ Technology.

Imahe mula sa Security Bank

Mga criteria para sa scholarship

  • Graduating Grade 12 student from public/private school
  • Latest General Weighted Average (GWA) of at least 90% or its equivalent
  • No parent currently employed/assigned in Security Bank
  • No other family member currently admitted to the scholarship within second degree of consanguinity or affinity
  • No other existing scholarship except for discounts provided by schools
  • Must enroll in any of the 8 partner schools in NCR
Imahe mula sa Security Bank Foundation, Inc.

8 Partner Schools

  1. Ateneo De Manila University
  2. Chiang Kai Shek College
  3. De La Salle University – Manila
  4. Far Eastern University – Manila
  5. Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
  6. Polytechnic University of the Philippines
  7. University of the Philippines – Diliman
  8. University of Santo Tomas

Application Requirements

  1. Online Application Form (ly/ApplySBFIScholarshipNow)
  2. Latest Grade 12 Report Card with GWA (Preferably, up to the first term or the second grading)
  3. Parents or Guardians’ Latest Income Tax Return / Certificate of Indigency
  4. Proof of Application for Admission in any of the 8 Partner School
  5. Birth Certificate
  6. Portrait Photo

Application Period

For Academic Year (AY) 2021 – 2022:

  • Opening of Applications: March 5, 2021
  • Deadline of Applications: May 31, 2021

Para iba pang detalye tulad ng Screening and Selection Process, Terms and Conditions, Scholarship Renewal at Termination, bumisita sa website ng Security Bank.

Apply na!

 

 

 

 

Source :

Facebook

Loading…